untitled
NEW! Upgrade to Pro Hosting and receive Ad-Free Webtools + More!

Ang Unang Aklat ng
TOLDÓTH

(1 Mga Cronica) 

 

1 Toldóth - Kapitulo 1

Talaan ng Angkan ni Adám Hanggang kay Shaúl

1Anak ni Adám si Soth at anak ni Soth si Enósh. 2Anak ni Enósh si Cainan at naging anak ni Cainan si Mehaolal-Úl na tatay ni Yaoród. 3Si Yaoród ang tatay ni Kanóch, at anak ni Kanóch si Methuselah na tatay naman ni Lámech. 4Si Lámech ang tatay ni Nokh at anak naman ni Nokh sina Shúam, Ham at Yaphet.

5Ang mga anak ni Yaphet ay sina Gomer, Magog, Madai, Yavan, Tubal, Mesec at Tiras. 6Naging anak naman ni Gomer sina Askenaz, Rifat at Togarma. 7Ang mga anak naman ni Yavan ay sina Oliza, Tarsis, Kitim at Dodanim.

8Ang mga anak ni Ham ay sina Cush, Mizraim, Put at Canaan. 9Mga anak ni Cush sina Sheba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca at ang kay Raama naman ay sina Saba at Dedan. 10Naging anak din ni Cush si Nimrod, ang unang lalaking nakilala sa daigdig sa taglay na kakayahan. 11Si Mizraim ang pinagmulan ng mga Ludim, Anamim, Lehabim at Naftuhim. 12Siya rin ang pinagmulan ng mga Patrusim, Casluhim at Caftorim, ang lahing pinagmulan ng mga Palestinos. 13Ang panganay na anak ni Canaan ay si Sidon, at si Het ang kanyang kapatid. 14Kay Sidon nagmula ang mga Heteo, Yebuseo, Amorreo, Gergeseo, 15Heveo, Arqueo, Sineo, 16gayon din ang mga Arvadeo, Zamareo at Hamoteo.

17Ang mga anak ni Shúam ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud, Aram, Uz, Hul, Geter at Mesec. 18Si Arfaxad ang tatay ni Selah na tatay naman ni Heber. 19Dalawang lalaki ang naging anak ni Heber; Poleg ang ngalan ng una dahil sa panahon niya nahati ang daigdig, si Yaokhan naman ang ikalawa niyang anak. 20Si Yaokhan ang tatay ng magkakapatid na Almodad, Selef, Hazarmavet, Yaoro-éh; 21Hadoram, Uzal, Dicla; 22Ebal, Abimaúl, Saba; 23Ofir, Havila at Yobab. 24Ito ang kaayusan ng lahi mula kay Shúam hanggang kay Abroám: sina Arfaxad, Selah; 25Heber, Poleg, Reu; 26Serug, Nahor, Túrok; 27at Abroám, na tinawag ding Abruhám.

Ang Lahi ni Ishmaúl

28Bukod kay YÁOHUtz-kaq, naging anak din ni Abruhám si Ishmaúl. 29Ang mga anak naman ni Ishmaúl ay sina Nebayot, Kedar, Adbeel, Mibsam, 30Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema, 31Yaotor, Nafis at Cedma.

32Ito ang mga anak ni Abruhám kay Cetura, ang ikalawa niyang asawa: sina Zimran, Yocsan, Medan, Madian, Yisbac at Suah. Ang mga anak ni Yocsan ay sina Saba at Dedan. 33Mga anak naman ni Madian sina Efa, Efer, Kanóch, Abida at Eldaa. Yaohod sila'y anak nga ni Abruhám kay Cetura.

Ang Lahi ni Esau

34Anak nga ni Abruhám si YÁOHUtz-kaq. Ang mga anak ni YÁOHUtz-kaq ay sina Esau at YÁOHU-caf o Yaoshorúl. 35Anak naman ni Esau sina Ulifaz, Roe-Úl, Yaohúsh, Yolam at Core. 36Ang mga anak ni Ulifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz, Timna at Amalek. 37Kay Roe-Úl naman sina Nahat, Zoro, Sama at Miza.

Ang mga Taal na Taga-Edom

38Ang mga katutubong mamamayan ng Edom ay nagmula kay Seir. Ang anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan. 39Ang kay Lotan ay sina Hori at Homam; si Timna ang kapatid niyang babae. 40Mga anak ni Sobal sina Alvan, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang kay Zibeon naman ay sina Aya at Ana. 41Anak ni Ana si Dison. Si Dison naman ang tatay ng magkakapatid na Hamram, Esban, Itran at Keran. 42Mga anak ni Eser sina Bilhan, Zaavan at Yaacan. Ang kay Disan naman ay sina Hus at Aran.

Ang mga Unang Hari at Pinuno ng Edom

43Ito ang mga taong naghari sa bansang Edom bago nagkaroon ng hari ang mga Yaoshorulíta: si Bela na anak ni Beor at ang kanyang lunsod ay ang Dinhaba. 44Pagkamatay niya, siya'y pinalitan ni Yobab na anak ni Zoro na taga-Bozra. 45Nang mamatay si Yobab, si Husam na isang Temaneo ang pumalit sa kanya. 46Namatay si Husam at ang pumalit sa kanya ay taga-Avit, si Hadad na anak ni Bedad. Siya ang tumalo kay Madian sa lupain ng Moab. 47Pagkamatay ni Hadad, pumalit sa kanya bilang hari si Samla na taga-Masreca. 48Namatay din si Samla at pinalitan siya ni Shaúl na taga-Rehobot sa may Ilog Eufrates. 49Nang mamatay si Shaúl, pumalit sa kanya bilang hari si Baal-hanan na anak ni Acbor. 50Namatay si Baal-hanan at pumalit sa kanya si Hadad na taga lunsod ng Pai. Si Hadad ang asawa ni Mahetebul na anak ni Matred at apo ni Mezahab.

51Pagkamatay ni Hadad, ang sunud-sunod na namahala sa Edom ay sina Timna, Alva, Yaotot, 52Oholibama, Ela, Pinon, 53Kenaz, Teman, Mibzar, 54Magdiul at Iram. Ang mga ito nga ang namahala sa bansang Edom.

 

1 Toldóth - Kapitulo 2

Ang mga Anak ni Yaoshorúl

1Ito ang mga anak ni YÁOHU-caf o Yaoshorúl: Ro-ibén, Shamiúl, Levée, YAOHÚ-dah, Ishochar, Zabulon, 2Dayán, YÁOHU-saf, Benyamín, Neftali, Gaóld at Oshór. 3Ang mga anak ni YAOHÚ-dah kay Bat-sua na isang Cananea ay sina Er, Onan at Sela. Ang panganay niyang si Er ay hindi naging kasiya-siya sa paningin ng YÁOHU Ulhím, kaya siya'y pinatay nito. 4Sina Fares at Zoro ang mga anak ni YAOHÚ-dah kay Tamar na kanyang manugang, kaya limang yaohod ang anak niya.

5Ang mga anak ni Fares ay sina Hezron at Hamul. 6Ang kay Zoro naman ay sina Zimri, Etan, Heman, Calcol at Dara. Limang yaohod ang naging anak niya. 7Anak ni Zimri si Carmi. Ang anak naman ni Carmi na si Acan, ang nagdulot ng malaking kapahamakan sa Yaoshorúl dahil sa paglabag sa utos ng YÁOHU Ulhím. 8Si Ozor-YÁOHU naman ang anak ni Etan.

Ang Lahing Pinagmulan ni Dáoud

9Ang mga anak ni Hezron ay tatlo, sina Yarmiul, Roám at Celubai. 10Anak ni Roám si Aminadab na tatay ni Naason, ang prinsipe ng YAOHÚ-dah. 11Anak ni Naason si Salma na tatay naman ni Booz. 12Si Booz ang tatay ni Awod na tatay naman ni Yaoshái. 13Ang panganay na anak ni Yaoshái ay si Uliab, sumunod si Abinadab at si Shimeáh ang pangatlo. 14Ang iba pang mga anak niya ay sina Naokhán-Úl, Radai, 15Osem at si Dáoud ang pampito. 16Dalawa ang kapatid nilang babae, sina Sarvia at Abigaúl. Tatlo ang anak ni Sarvia, sina Abishai, Yao-ab at Osaul. 17Si Abigaúl ay nagkaanak din, Amosa naman ang ngalan, at ang tatay nito ay si Yaoter na isang Ishmaúlita.

Ang Lahi ni Hezron

18Si Caleb na anak ni Hezron ay nagkaanak ng isang babae kay Azuba. Ang ngalan nito ay Yeriot. Siya ang ina nina Yeser, Sobab at Ardon. 19Nang mamatay si Azuba, napangasawa ni Caleb si Efrata, at naging anak nila si Hur. 20Si Hur ang tatay ni Uri na siya namang tatay ni Bezalul.

21Nang si Hezron ay animnapung taon na, napangasawa niya ang anak ni Maquir na tatay ni Gaúli-od. Naging anak niya si Segub 22na tatay ni Yair, ang may-ari ng dalawampu't tatlong lunsod na lupain ng Gaúli-od. 23Ngunit kinuha sa kanila nina Gesur at Aram ang Havot-jair at ang Kenat, pati ang mga nayon nito. Sa kabuoan ay animnapung bayan. Ang yaohod ng mamamayan dito'y buhat sa lahi ni Maquir na tatay ni Gaúli-od. 24Pagkamatay ni Hezron, kinasama ni Caleb ang asawa nitong si Efrata at naging anak niya si Asur na naging tatay ni Tekóa.

Ang Lahi ni Yarmiul

25Ito ang mga anak ni Yarmiul, ang panganay ni Hezron: sina Roám, Buna, Orem, Osem at Ahi-YÁOHU. 26Si Yarmiul ay may isa pang asawa na Atara ang ngalan; siya ang ina ni Onam. 27Ang panganay na anak ni Yarmiul ay si Roám, at sina Maoz, Yaomin at Akher ang mga anak nito. 28Mga anak ni Onam sina Samai at Yaoda. Ang mga anak naman ni Samai ay sina Naodáb at Abitzur. Asawa ni Abitzur si Abihail 29at dalawa ang anak nila: sina Ahban at Molid. 30Mga anak ni Naodáb sina Seled at Apaim. Namatay si Seled na walang anak. 31Anak ni Apaim si Isi at ang kay Isi naman ay si Sesan na tatay ni Ahlai. 32Ang mga anak ni Yaoda na kapatid ni Samai ay sina Yaoter at Yaonaokhán. Namatay na walang anak si Yaoter. 33Ang mga anak ni Yaonaokhán ay sina Palot at Zaza. Ito ang mga anak at inapo ni Yarmiul. 34Mga babae lamang ang naging anak ni Sesan, ngunit siya'y may aliping Egipcio na Yarha ang ngalan. 35Ipinakasal niya ito sa kanyang anak na dalaga at naging anak nila si Atai. 36Si Atai ang tatay ni Naokhán na tatay naman ni Zawod. 37Si Zawod ang tatay ni Eflal na tatay ni Awod. 38Si Awod ang tatay ni Yáohu na tatay naman ni Ozor-YÁOHU. 39Si Ozor-YÁOHU ang tatay ni Helez na tatay ni Ul-osa. 40Si Ul-osa ang tatay ni Sismai na tatay naman ni Sallum. 41Si Sallum ang tatay ni Yecamias na tatay ni Ulishama.

Ang Lahi ni Caleb

42Ang anak na panganay ni Caleb na kapatid ni Yarmiul ay si Mesa na tatay ni Zif. Si Zif ay tatay ni Maresa at anak naman ni Maresa si Hebron. 43Ang mga anak ni Hebron ay sina Core, Tapuakh, Requem at Sema. 44Si Sema ang tatay ni Raham na tatay ni Yorqueam, at si Requem naman ang tatay ni Samai. 45Ang anak ni Samai ay si Maon na tatay naman ni Bet-sur. 46Naging asawa rin ni Caleb si Efa, at nagkaanak sila ng tatlo, sina Haran, Moza at Gasez. Gasez din ang naging anak ni Haran. 47Ang mga anak ni Yaodai ay sina Regem, Yaotam, Gesam, Palot, Efa at Saaf. 48Kay Maaca, isa pang asawa ni Caleb, nagkaanak siya ng dalawa, sina Seber at Tirhana. 49Naging anak niya rito si Saaf na tatay ni Madmana, si Sevat na tatay nina Macbena at Giba. Ang babaing anak ni Caleb ay si Acsa.

50Ito naman ang angkan ni Caleb: si Hur ang panganay nila ni Efrata. Si Sobal na anak ni Hur ang nagtatag ng Kiryat-Yearim. 51Si Salma naman ang nagtatag ng Beth-Lékhem at si Haref ang nagtatag ng Bet-gader. 52Kay Sobal nagbuhat si Haroe, ang pinagmulan ng kalahati ng Manahetita. 53Kay Sobal din nagbuhat ang ilang angkang nanirahan sa Kiryat-Yearim tulad ng: mga Itreo, mga Puteo, mga Sumateo, mga Misraita, mga Zoratita at mga Eshtaolita. 54Ang mga angkan naman ni Salma na nagtatag ng Beth-Lékheminita ay ang Netofatita, Atarot-bet-joab, Manahetita at Zorita. 55Ang angkan ng mga eskriba na tumira sa Yabésh ay ang mga Tirateo, Simateo at Sucateo. Ito ang mga Cineo buhat sa Hamat, ang pinagmulan ng sambahayan ni Recab.

 

1 Toldóth - Kapitulo 3

Ang Angkan ni Dáoud Hanggang sa Dahilapon

1Si Dáoud ay nagkaroon ng mga anak sa Hebron. Ang una ay si Amnon, anak niya kay Ahinoam na Yaozoro-Úlita. Sumunod si Dayan-Úl na anak naman niya kay Abigaúl na Carmiulíta. 2Ang pangatlo ay si Abshalom, anak niya kay Maaca na anak ni Talmai na hari sa Gesur. Si Adoni-YÁOHU ang pang-apat, anak naman kay Haguit. 3Ang panlima ay si Shuafat-YÁOHU, anak kay Abital, at si Itream ang pang-anim na anak niya kay Egla. 4Anim ang naging anak ni Dáoud sa Hebron sa dibdib ng pitong taon at kalahating paghahari niya roon. Pagkatapos sa Hebron, tatlumpu't tatlong taon naman siyang naghari sa Yaohúshua-oléym. 5Doo'y apat ang naging anak niya kay Betsua o Bath-Sheba na anak ni Amiul. Ito'y sina Shimeáh, Sobab, Naokhán at Shua-ólmoh. 6Siyam pa ang naging anak niya sa Yaohúshua-oléym. Ito'y sina Ibhar, Ulishama, Ulifalot, 7Noga, Nefeg, Yafia, 8Ulishama, Uliyaoda at Ulifalot. 9Ang mga ito ang naging anak ni Dáoud bukod pa ang mga anak niya sa ibang asawa. Isa ang anak niyang babae, si Tamar.

Ang mga Anak ni Haring Shua-ólmoh

10Ito ang lahi ni Shua-ólmoh: anak ni Shua-ólmoh si Ro-éboam na tatay ni Abi-YÁOHU, at anak naman ni Abi-YÁOHU si Osa na tatay ni YÁOHU-shuafát. 11Anak ni YÁOHU-shuafát si Yaoroám na tatay ni Ahoz-YÁOHU. Anak naman ni Ahoz-YÁOHU si Yao-osh. 12Anak ni Yao-osh si Amoz-YÁOHU na tatay ni Ozor-YÁOHU, na tatay naman ni Yaotam. 13Anak ni Yaotam si Ahóz na tatay ni Kozoq-YÁOHU na tatay naman ni Menasyé. 14Anak ni Menasyé si Amon na tatay ni Yaosa-YÁOHU. 15Apat ang naging anak ni Yaosa-YÁOHU: sina Yaokhanám, YÁOHU-ahim, Tzaodoq-YÁOHU at Sallum. 16Ang anak ni YÁOHU-ahim ay si Yaocon-YÁOHU na tatay ni Tzaodoq-YÁOHU.

Ang Lahi ng Haring Yaocon-YÁOHU

17Ang mga anak ng nabihag na si Yaocon-YÁOHU ay sina Shealtiúl, 18Malquiram, Peda-YÁOHU, Senazar, Yaokam-YÁOHU, Hosama at Naodab-YÁOHU. 19Mga anak naman ni Peda-YÁOHU ay sina Zorobabel at Simei. Tatlo ang unang anak ni Zorobabel, sina Mesullam at Khanam-YÁOHU at isang babae, si Shelomit. 20Ang lima pang anak niya ay sina Hasuba, Ohol, Boroyao, Kosod-YÁOHU at Yaoshav-Kosod.

21Mga anak ni Khanam-YÁOHU sina Palot-YÁOHU at Yaoshua-YÁOHU. Anak ni Yaoshua-YÁOHU si Roefo-YÁOHU, anak ni Roefo-YÁOHU si Arnan, anak ni Arnan si Awod-YÁOHU at anak ni Awod-YÁOHU si Shaokan-YÁOHU. 22Anim ang naging anak ni Shaokan-YÁOHU: sina Shemayao, Hatus, Igal, Bor-YÁOHU, Near-YÁOHU at Shuafát. 23Tatlo ang naging anak ni Near-YÁOHU: sina Uli-enai, Kozoq-YÁOHU at Azricam. 24Pito naman ang naging anak ni Uli-enai: sina Hodav-YÁOHU, Uliasib, Pele-YÁOHU, Acub, Yaokhanám, Delayáo at Anani.

 

1 Toldóth - Kapitulo 4

Mga Lahi ni YAOHÚ-dah

1Ito ang kabilang sa lahi ni YAOHÚ-dah: Fares, Hezron, Carmi, Hur at Sobal. 2Anak ni Sobal si Roe-YÁOHU na tatay ni Yahat. Anak naman ni Yahat sina Ahumai at Lahad. Ito ang angkan ng mga Zoratita.

Mga Anak ni Hur

3Ito ang mga anak ni Etam: sina Yaozoro-Úl, Isma at Idbas. Mayroon silang kapatid na babae, ang ngala'y Hazelelponi. 4Si Penu-Úl ang tatay ni Gedor, at si Ozór ang tatay ni Husa. Ito ang angkan ni Hur, panganay na anak ni Efrata na nagtatag ng Beth-Lékhem.

Mga Anak ni Asur

5Si Asur na nagtatag ng Tekóa ay may dalawang asawa, sina Hela at Naara. 6Naging anak niya kay Naara sina Ahuzam, Hefer, Temeni at Ahastari. 7Naging anak naman ni Asur kay Hela sina Zeret, Izhar at Etnan. 8Si Coz ang tatay ni Anub at Zobeba, gayon din ng mga angkan ni Aharhel na anak ni Harum.

9Si Yabésh ay higit na marangal kaysa mga kapatid niya. Yabésh ang itinawag sa kanya dahil ito ang wika ng kanyang ina, 'Ipinanganak ko siya sa gitna ng hapis.' 10Ngunit tumawag si Yabésh sa YÁOHU Ulhím ng Yaoshorúl at sinabi: 'Pagpalain po ninyo ahnee! Palawakin ninyo ang aking lupain. Ilayo ninyo ahnee sa kapahamakan para hindi ahnee mahirapan!' At ipinagkaloob naman ng YÁOHU Ulhím ang kanyang kahilingan.

Ang Angkan ni Caleb

11Si Caleb na kapatid ni Suha ang tatay ni Mehir na tatay naman ni Eshlon. 12Si Eshlon ang tatay nina Bet-rafa, Pasea at Tehina na tatay naman ni Nahas. Ito ang mga lalaking taga-Reca.

13Mga anak ni Kenaz sina Otniul at Shear-YÁOHU, at mga anak naman ni Otniul sina Hatat at Meonotai. 14Si Meonotai ang tatay ni Oprah, at si Shear-YÁOHU naman ang tatay ni Yao-ab na nagtatag ng Carasim, isang pook na pandayan. 15Mga anak ni Caleb na anak ni Yafunah sina Iru, Ela at Noam. Ang anak naman ni Ela ay si Kenaz. 16Mga anak ni Yaohalul-Úl sina Zif, Sifa, Tirias at Ozorul.

17Ang mga anak ni Ozór ay sina Yaoter, Mered, Efer at Yalon. Ang mga anak ni Mered kay Bitia na anak ng Faraoh ay sina Maoro-ém, Samai at Isba na nagtatag ng Estemoa. 18Sa asawa naman niyang Yudea, naging anak ni Mered si Yaorod na nagtatag ng Gedor, si Heber na nagtatag ng Soco at si Yacotiul na nagtatag ng Zanoa.

19Ang mga anak ng asawa ni Hod-YÁOHU na kapatid ni Naham ang nagtatag ng Ceila, bayan ng mga Garmita, at ng Estemoa na bayan ng mga Maacatita. 20Ang mga anak ni Simon ay sina Amnon, Rina, Benhanan at Tilon. Mga anak naman ni Isi sina Zohet at Ben-zohet.

Ang Lahi ni Sela

21Ang mga anak ni Sela na anak ni YAOHÚ-dah ay sina Er na nagtatag ng Leca, Laada na nagtatag ng Maresa, at ang mga angkang gumagawa ng telang lino sa Asbea. 22Siya rin ang tatay ni Yaokim at ng mga taga-Cozeba, at nina Yao-osh at Seraf. Ang mga ito ay nagkaasawa sa Moab bago nagbalik sa Beth-Lékhem. (Ang ulat na ito ay noon pang una.) 23Ang mga ito'y magpapalayok at tumira sa Netaim at Gedera, bilang mga lingkod ng hari.

Ang Lipi ni Shamiúl

24Ang mga anak ni Shamiúl ay sina Namu-Úl, Yaomin, Yaorib, Zoro at Shaúl. 25Mga anak ni Shaúl sina Sallum, Mibsam at Misma. 26Mga anak ni Misma sina Hamu-Úl, Zacur at Simei. 27Labing-anim ang anak na lalaki ni Simei at anim naman ang babae. Ngunit iilan ang anak ng kanyang mga kapatid kaya hindi lumaki ang kanilang angkan tulad ng kay YAOHÚ-dah.

28Ito ang mga lunsod na tinirahan nila: Beer-Sheva, Molada, Hazar-sual, 29Bilha, Ezem, Tolad, 30Betu-Úl, Horma, Ziklag, 31Bet-marcabot, Hazar-susim, Bet-biri at Saaraim. Ito ang kanilang mga lunsod hanggang maging hari si Dáoud. 32Kanila rin ang limang lunsod ng Etam, Ain, Rimon, Toquen at Asan, 33pati ang mga nayon sa paligid nito hanggang sa Baal. Samantalang sila'y narito, mayroon silang sariling talaan ng kanilang angkan.

34Ito ang mga pinuno ng kanilang angkan: Mesobab, Yamloc at Yaosa na anak ni Amoz-YÁOHU; 35sina Yao-Úl at Yáohu na mga anak ni Yaosibyao na anak ni Shear-YÁOHU na anak naman ni Oseul; 36sina Uli-enai, Yaocaf, Yaosohaya, Ose-YÁOHU, Adiul, Yaosimiul at Bina-YÁOHU. 37Kabilang din si Ziza na anak ni Sifi na anak naman ni Allon. Si Allon ay anak ni Yaodayáo na anak ni Simri na anak naman ni Shemayao. 38Ang mga ito ang pinuno ng kanilang sambahayan.

Dumami sila, 39kaya't gumawi sila sa dakong silangan at umabot sa kapatagan ng Gedor sa paghanap ng kaparangan. 40Nakasumpong sila ng mabuting kaparangan, malawak, tahimik at payapa. Mga Hamita ang dating nakatira sa dakong iyon. 41Ang nabanggit na lahing ito ni Shamiúl ang sumalakay sa mga Hamita nang panahong naghahari si Kozoq-YÁOHU sa YAOHÚ-dah. Winasak nila ang dakong yaon, pinuksa ang mga tao roon at sila ang tumira, dahil mabuti ang kaparangan doon. 42Sa mga sumalakay na ito, 500 pang tauhan ni Shamiúl ang patuloy na lumusob sa kaburulan ng Seir sa pangunguna nina Palot-YÁOHU, Near-YÁOHU, Roefo-YÁOHU at Uziul, mga anak ni Isi. 43Pinuksa nila ang mga tumakas na Amalecita, at hanggang ngayo'y sila ang nakatira roon.

 

1 Toldóth - Kapitulo 5

Ang Lipi ni Ro-ibén

1Si Ro-ibén ang panganay ni Yaoshorúl. Inalis sa kanya ang karapatan ng pagka-panganay dahil sinipingan niya ang isa sa mga asawa ng kanyang tatay. Ang karapatang ito'y ibinigay sa anak niyang si YÁOHU-saf. 2Ang lipi ni YAOHÚ-dah ang kinilalang pangunahin sa magkakapatid at sa kanya nagbuhat ang hari. 3Ang mga anak ni Ro-ibén ay sina Kanóch, Fallu, Hezron at Carmi.

4Anak ni Yao-Úl si Shemayao na tatay ni Gog. Anak ni Gog si Simei na tatay ni Mica. 5Anak ni Mica si Roe-YÁOHU na tatay ni Baal. 6At anak ni Baal si Beera, ang prinsipe ng mga Ro-ibénita na ipinatapon ni Tiglat-pileser na hari ng Assyria. 7Ito ang kanyang mga kaanak ayon sa talaan ng mga sambahayan at angkang pinagbuhatan: ang mga pinunong sina Yao-Úl, Zochar-YÁOHU, 8at si Bela na anak ni Azaz, anak ni Sema na anak naman ni Yao-Úl. Ang angkan ni Bela ay tumira sa Aroer, at ang kanilang lupain ay abot sa Nebo at Baal-meon. 9Tumira rin sila sa gawing silangan hanggang sa tabi ng ilang sa dako ng Eufrates dahil marami silang mga kawan sa Gaúli-od. 10Nang panahong hari si Shaúl, sinalakay nila at nalupig ang mga Agareno, at sila ang tumira sa silangan ng Gaúli-od.

Ang Lipi ni Gaóld

11Sa karatig nila, sa lupain ng Bashán hanggang Salca tumira ang mga anak ni Gaóld. 12Sa Bashán, ang puno nila ay si Yao-Úl at ang mga katulong niya sa pangangasiwa ay sina Safan. Pagkatapos, sina Yanai at Shuafát naman ang namahala. 13Kabilang pa rin sa lipi ni Gaóld sina Mikhaúl, Mesullam, Saba, Yorai, Yacan, Zia at Eber. Ang pitong ito 14ang mga anak ni Abihail na anak ni Huri at apo ni Yaoro-éh. Si Yaoro-éh ay anak ni Gaúli-od at apo ni Mikhaúl na anak ni Yaoshishai. Si Yaoshishai ay anak ni Yahdo at apo ni Buz. 15Si Ahi na anak ni Awodul at apo ni Guni ang kanilang pangulo. 16Ang mga ito naman ay doon tumira sa paligid ng Gaúli-od at Bashán hanggang sa malawak na kaparangan ng Sharon. 17Ang mga talaang ito ay ginawa nang si Yaotam ay hari ng YAOHÚ-dah, at si Yaoro-éboam naman ang sa Yaoshorúl.

18Matatapang ang mga kawal ng mga lipi nina Ro-ibén at Gaóld, gayon din ang kalahating lipi ni Menasyé. Bihasa sila sa paggamit ng pananggalang, tabak, busog at pana, at sanay na mandirigma. Ang hukbo nila ay binubuo ng 44,760 kawal. 19Nakipagdigma sila laban sa mga Agareno, Yaotor, Nafis at Nodab. 20Sila'y nagtiwala at laging dumadalangin sa YÁOHU Ulhím. Dinirinig naman sila at laging tinutulungan. Anupat nalupig nila ang kanilang mga kaaway. 21Ito ang nasamsam nilang hayop: 50,000 kamelyo, 250,000 tupa at 2,000 asno. May 100,000 kawal ang kanilang nabihag. 22Marami silang napatay sa kanilang mga kaaway, dahil ang YÁOHU Ulhím ang nanguna sa kanila. Doon sa lupaing iyon sila tumira hanggang sa panahon ng pagkatapon ng Yaoshorúl.

Kalahati ng Lipi ni Menasyé

23Ang kalahating lipi ni Menasyé ay napakarami, kaya't nakalatan nila ang lupain mula sa Bashán, Baal-hermon, Senir hanggang sa Bundok ng Hermon. 24Ito ang mga pangulo ng kanilang mga angkan: sina Efer, Isi, Uliul, Ozriul, Yarmi-YÁOHU, Hodav-YÁOHU at Yaodiúl. Sila'y kilabot na mandirigma, at tanyag na tanyag.

Ang Dahilapon sa Kalahating Lipi ni Menasyé

25Ngunit ang mga liping ito ay di nanatiling tapat sa YÁOHU Ulhím ng kanilang ninuno. Sumamba sila sa mga rebulto o mga huwad na maykapal ng mga bansang nilupig nila sa tulong ng YÁOHU Ulhím. 26Kaya't pinag-alab ng YÁOHU Ulhím ng Yaoshorúl ang damdamin ng hari ng Assyria, si Pul, na tinatawag ding Tiglat-pileser. Binihag nito ang mga Ro-ibénita, Gaóldita at ang kalahating lipi ni Menasyé. Itinapon sila sa Halah, Habor, Hara at sa dako ng Ilog Gozan, at naroon pa sila hanggang ngayon.

 

1 Toldóth - Kapitulo 6

Ang Lahi ng mga Punong Cohan (Saserdote)

1Ang mga anak ni Levée ay sina Gershom, Coat at Merari. 2Mga anak naman ni Coat sina Amram, Izhar, Hebron at Uziul. 3Ang mga anak ni Amram ay sina Aharón, Mehushúa at Maoro-ém. Mga anak naman ni Aharón sina Naodáb, Abiu, Ulozor at Itamar. 4Anak naman ni Ulozor si Pinkhós na tatay ni Abishúa. 5Anak ni Abishúa si Buki na tatay ni Uzi. 6Anak naman ni Uzi si Zoro-YÁOHU na tatay ni Meraiot. 7Anak ni Meraiot si Amor-YÁOHU na tatay ni Ahitav. 8Anak ni Ahitav si Tzaodóq na tatay ni Ahimaóz. 9Anak ni Ahimaóz si Ozor-YÁOHU na tatay ni Yaokhanám. 10Anak naman ni Yaokhanám si Ozor-YÁOHU, ang cohan na naglingkod sa Templong itinayo ni Shua-ólmoh sa Yaohúshua-oléym. 11Anak naman ni Ozor-YÁOHU si Amor-YÁOHU na tatay naman ni Ahitav. 12Anak ni Ahitav si Tzaodóq na tatay ni Sallum. 13Anak ni Sallum si Hilki-YÁOHU na tatay naman ni Ozor-YÁOHU. 14Anak ni Ozor-YÁOHU si Shear-YÁOHU na tatay ni YÁOHU-tzaodóq. 15Si YÁOHU-tzaodóq ay nakasama sa pagkatapon nang parusahan ng YÁOHU Ulhím ang YAOHÚ-dah at Yaohúshua-oléym sa pamamagitan ni Nebuchadnezar.

Iba pang Lahi ni Levée

16Ang mga anak ni Levée ay sina Gershom, Coat at Merari. 17Anak ni Gershom sina Libni at Simei. 18Mga anak ni Coat sina Amram, Izhar, Hebron at Uziul. 19Ang kay Merari naman ay sina Mahli at Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levíta ayon sa kanilang mga magulang.

20Anak ni Gershom si Libni na tatay ni Yahat na tatay ni Zimna. 21Anak ni Zimna si Yoah na tatay naman ni Iddo, na tatay ni Zoro at tatay ni Yeatrai. 22Anak ni Coat si Aminadab na tatay ni Core na tatay ni Asir. 23Anak ni Asir si Ulcana na tatay ni Abiosaf na tatay ni Asir. 24Anak ni Asir si Tahat na tatay ni Uriel, tatay ni Uzi-YÁOHU na tatay ni Shaúl. 25Anak naman ni Ulcana sina Amosai at Ahimot. 26Anak naman ni Ahimot si Ulcana na tatay ni Zofar na tatay ni Nahat. 27Anak naman ni Nahat si Uliab na tatay ni Yaorukhám na tatay ni Ulcana na tatay ni Shamu-Úl. 28Mga anak ni Shamu-Úl si Yao-Úl at si Abi-YÁOHU. 29Anak ni Merari si Mahli na tatay ni Libni na tatay ni Simei na tatay ni Uza. 30Anak naman ni Uza si Shimeáh na tatay ni Hagia na tatay ni Ose-YÁOHU.

Ang mga Mang-aawit sa Templo

31Ito ang mga lalaking pinamahala ni Dáoud sa mga awitin sa tabernakulo mula nang dalhin doon ang Kaban ng Tipan. 32Sila ang hali-haliling gumanap ng tungkuling ito sa harap ng tabernakulo, hanggang sa itayo ni Shua-ólmoh ang Templo sa Yaohúshua-oléym. 33Ito ang mga angkan na nagsipaglingkod: sa gawing gitna ang namahala ay ang angkan ni Coat, sa pangunguna ng mang-aawit na si Heman na anak ni Yao-Úl na anak ni Shamu-Úl. Si Shamu-Úl ay 34anak ni Ulcana na apo ni Yaorukhám na anak ni Uliul na anak ni Toah. Si Toah ay 35anak ni Zuf at apo ni Ulcana na anak ni Mahat na anak ni Amosai. Si Amosa ay 36anak ni Ulcana at apo ni Yao-Úl na anak ni Ozor-YÁOHU na anak ni Sofonias. Si Sofonias ay 37anak ni Tahat at apo ni Asir na anak ni Abiosaf na anak ni Core. Si Core ay 38anak ni Izhar at apo ni Coat na anak ni Levée na anak ni Yaoshorúl. 39Sa gawing kanan ang namahala nama'y ang kapatid niyang si Osaf na anak ni Boroyao at apo ni Shimeáh. 40Si Shimeáh ay anak ni Mikhaúl at apo ni Baaseya na anak ni Molkhiyáo. Si Molkhiyáo ay 41anak ni Etni at apo ni Zoro na anak ni Ada-YÁOHU. Si Ada-YÁOHU ay 42anak ni Etan at apo ni Zima na anak ni Simei. Si Simei ay 43anak ni Yahat at apo ni Gershom na anak ni Levée. 44Sa gawing kaliwa ang namahala nama'y ang angkan ni Merari, sa pangunguna ni Etan na anak ni Quisi at apo ni Awodi na anak ni Malluc. Si Malluc ay 45anak ni Hashuv-YÁOHU at apo ni Amoz-YÁOHU na anak ni Hilki-YÁOHU. Si Hilki-YÁOHU ay 46anak ni Amzi at apo ni Bani na anak ni Shuamor. Si Shuamor ay 47anak ni Mahli at apo ni Musi na anak ni Merari na anak ni Levée. 48Ang kanilang mga kapatid na Levíta ang pinamahala naman sa iba pang gawain sa Templo.

Ang Lahi ni Aharón

49Ngunit si Aharón at ang kanyang mga anak lamang ang naghahain sa dambana ng mga handog na susunugin at sa dambana ng kamanyang. Sila rin ang gumaganap ng mga gawaing pinakabanal at naghahain ng handog para sa kasalanan ng Yaoshorúl, ayon sa iniutos ni Mehushúa. 50Ito ang mga anak at apo ni Aharón: Si Ulozor na tatay ni Pinkhós na tatay naman ni Abishúa; 51si Buki na tatay ni Uzi na tatay ni Zoro-YÁOHU; 52si Meraiot na tatay ni Amor-YÁOHU na tatay ni Ahitav; 53at si Tzaodóq na tatay ni Ahimaóz.

Ang mga Lunsod ng mga Levíta

54Ito ang mga lugar na kanilang tinirahan: 55sa angkan ni Coat ay ang Hebron sa YAOHÚ-dah at mga kaparangan sa paligid nito. 56Ngunit ang mga bukirin ng lunsod at mga nayong sakop nito ay napabigay kay Caleb na anak ni Yafunah. 57Napabigay naman sa mga anak ni Aharón ang mga lunsod na kublihan: ang Lunsod ng Libna at ang mga kaparangan nito; Yatir at Estemoa at ang mga kaparangan ng mga ito; 58ang Hilen at Debir at ang mga kaparangan ng mga ito; 59ang Asan at Beth-Shemesh at ang mga kaparangan ng mga ito. 60Ang nakuha naman nila sa lipi ni Benyamín ay ang Geba, Alemet at Anatot, kasama ang mga kaparangan sa paligid nito. Labintatlong lunsod ang nakuha ng kanilang angkan.

61Sampung lunsod ang nakuha ng iba pang angkan ni Coat buhat sa kalahating lipi ni Menasyé. 62Buhat sa lipi nina Ishochar, Oshór, Neftali at Menasyé, labintatlo lamang lunsod sa Bashán ang napapunta sa mga anak ni Gershom ayon sa kanilang sambahayan. 63Sa mga anak ni Merari ayon sa kanilang sambahayan, labindalawa namang lunsod ang nakuha nila buhat sa mga lipi nina Ro-ibén, Gaóld at Zabulon. 64Ang mga Levíta ay binigyan ng mga anak ni Yaoshorúl ng mga lunsod at mga kaparangan. 65Ang mga lunsod na ito mula sa lipi nina YAOHÚ-dah, Shamiúl at Benyamín ay natamo nila sa pamamagitan ng sapalaran.

66May ilan pa sa mga lipi ni Coat na nagkaroon ng mga lunsod mula sa lipi ni Efroím. 67Ang nakuha nila ay ang mga lunsod na kublihan-ang mga Lunsod ng Shechem at ang kaparangan nito sa kaburulan ng Efroím, ang Gezer at ang mga kaparangan nito, 68ang Yocmeam at ang mga kaparangan nito, at ang Bet-horon at ang mga kaparangan nito, 69ang Ayalon at ang mga kaparangan nito, at Gat-rimmon at ang mga kaparangan nito. 70Mula naman sa kalahating lipi ni Menasyé, natamo ng iba pang sambahayan ni Coat ang Aner at ang mga kaparangan nito, at ang Bileam at ang mga kaparangan nito.

71Mula rin sa kalahating lipi ni Menasyé, natamo naman ng mga anak ni Gershom ang Golan sa Bashán at ang Astarot at ang kaparangan ng mga ito. 72Mula naman sa lipi ni Ishochar ay natamo nila ang Kadesh, Daberat, 73Ramot at Anem at ang kaparangan ng mga ito. 74Mula naman sa lipi ni Oshór ay natamo nila ang Masal, Awodul, 75Hucoc at Rehob at ang mga kaparangan ng mga ito. 76Sa lipi ni Neftali, natamo nila ang Kadesh sa Galilea, ang Hamon, ang Kiryataim at ang mga kaparangan ng mga ito. 77Natamo rin ng mga iba pang angkan ni Merari mula sa lipi ni Zabulon, ang Rimono at Tabor at ang kaparangan ng mga ito. 78Sa gawing silangan ng Yardayán, tapat ng Yáricho, natamo nila mula sa lipi ni Ro-ibén, ang Bezer, Yaosa, 79Quedemot at Mefaat at ang kaparangan ng mga ito. 80At mula naman sa lipi ni Gaóld, natamo nila ang Ramot sa Gaúli-od, Mahanaim, 81Keshbon at Hazer at ang mga kaparangan ng mga ito.

 

1 Toldóth - Kapitulo 7

Ang Lipi ni Ishochar

1Ang mga anak ni Ishochar ay sina Tola, Pua, Yaosháv at Simron. 2Ang mga anak ni Tola ay sina Uzi, Roefo-YÁOHU, Yaoriul, Yaomai, Ibsam at Shamu-Úl. Sila'y pawang magigiting na mandirigma at mga puno ng kanilang sambahayan ayon sa talaan ng lahi ng kanilang tatay. Ang mandirigma nila noong panahon ni Dáoud ay umabot sa 22,600. 3Ang anak ni Uzi ay si Izrahias at ang mga anak naman nito ay sina Mikhaúl, Awod-YÁOHU, Yao-Úl at Yaoshua-YÁOHU. Ang limang ito ay mga pinuno rin. 4Ang kanilang mga angkan ay may 36,000 mandirigma, dahil mas marami silang asawa't mga anak na lalaki. 5Ang mga mandirigma sa lipi ni Ishochar ay umaabot sa 87,000.

Ang Lipi nina Benyamín at Dayán

6Ang mga anak ni Benyamín ay sina Bela, Bequer at Yaodiao-Úl. 7Sina Esbon, Uzi, Uziul, Yaoromot at Iri naman ang mga anak ni Bela. Sila'y mga puno ng kanilang sambahayan at pawang mga mandirigma. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,034. 8Ang mga anak naman ni Bequer ay sina Zemira, Yao-osh, Uliozor, Uli-enai, Omri, Yaoromot, Abi-YÁOHU, Anatot at Alamet. 9Sila'y pawang magigiting na mandirigma at puno ng kani-kanilang sambahayan. Ang kanilang mandirigma ay umaabot sa 22,200. 10Ang anak ni Yaodiao-Úl ay si Bilhan. Ang mga anak naman ni Bilhan ay sina Yáohus, Benyamín, Aod, Canaana, Zelan, Tarsis at Ahisahar. 11Ang magkakapatid na ito'y pawang magigiting na mandirigma at puno ng kani-kanilang sambahayan. Ang mandirigma nila'y umaabot sa 17,200. 12Ang mga Supamita at Hupamita ay buhat sa lahi ni Ir. Ang mga anak ni Dayán ay si Husim at angkan ni Aher.

Ang Lipi ni Neftali

13Ang mga anak ni Neftali ay sina Yaoziul, Guni, Yaozor at Sallum. Buhat sila sa lahi ni Bilha. 14Ito naman ang mga anak ni Menasyé sa asawa niyang Aramea: Ozriul at Maquir na tatay ni Gaúli-od. 15Ikinuha ni Maquir ng asawa sina Hupim at Supim. Ang ngalan ng kapatid niyang babae ay Maaca. Ang pangalawang anak ni Maquir ay si Zelofehad. Babae namang yaohod ang anak nito. 16Si Maaca na asawa ni Maquir ay nagkaanak ng lalaki, at ito'y pinangalanan niyang Peres. Ang sumunod ay si Seres. Dalawa naman ang naging anak nito, sina Ulam at Requem. 17Ang anak ni Ulam ay si Bedan. Ito ang mga angkan ni Gaúli-od na anak ni Maquir at apo ni Menasyé. 18Ang kapatid niyang babae ay si Hamolequet na ina nina Ishod, Abiozór at Mahla. 19Ang mga anak naman ni Semida ay sina Ahian, Shechem, Likhi at Aniam.

Ang Lipi ni Efroím

20Ito ang anak at mga apo ni Efroím: si Sutela na tatay ni Vered na tatay ni Tahat. Si Tahat ang tatay ni Olada na tatay ni Tahat. Siya ang 21ama ni Zawod na tatay ni Sutela. Anak din niya sina Ozór at Olad na pinatay ng mga taga-Gat nang tangkain nilang nakawin ang kawan ng mga tagaroon. 22Matagal itong ipinagluksa ni Efroím kaya't inaliw siya ng kanyang mga kapatid. 23Ngunit naglihi uli ang kanyang asawa, at lalaki naman ang naging anak. Beria ang ipinangalan niya rito dahil sa kasawiang inabot nila. 24Nagkaanak pa siya ng isang babae at pinangalanan niyang Seera. Ito ang nagtayo ng lunsod ng Bet-horon Ibaba, Bet-horon Itaas at Uzenseera. 25Anak din niya si Ro-efo na anak ni Resef. Anak ni Resef si Tela at anak naman nito si Tahan na tatay ni Ladan. 26Anak ni Ladan si Amihud na tatay ni Ulishama. 27Anak ni Ulishama si Nun na tatay ni Yaohúshua. 28Ang lupaing sakop nila ay ang Bohay-Úl, sa dakong silanga'y ang Naaran. Sa kanlura'y ang Gezer, Shechem at Gaza, kasama ang yaohod ng mga bayang nasasakop ng mga ito. 29Datapwat ang Beth-Shean, Meggido, Dor at ang mga bayang nasa paligid ng mga ito ay sakop ng lipi ni Menasyé. Dito nanirahan ang mga angkan ni YÁOHU-saf na anak ni YÁOHU-caf.

Ang Lipi ni Oshór

30Ang mga anak ni Oshór ay sina Imna, Isva, Isvi, Berias. Si Sera lang ang babae. 31Ang mga anak naman ni Berias ay sina Heber at Molkhiúl na tatay ni Birzavit. 32Si Heber ang tatay nina Yaflet, Somer, Yaotam. Si Sua lang ang babaing kapatid nila. 33Ang mga anak ni Yaflet ay sina Pasac, Bimhal at Asvat. 34Ang mga anak naman ni Shuamor ay sina Ahi, Rohga, Yáohuba at Aram. 35Ang mga anak ng kapatid niyang si Helem ay sina Zofa, Imna, Seles at Amal. 36Ang mga anak ni Zofa ay sina Suah, Harnefer, Sual, Beri, Imra, 37Bezer, Hod, Samna, Silsa, Itran at Beera. 38Ang mga anak ni Yaoter ay sina Yafunah, Pispa at Ara. 39Ang mga anak ni Ulla ay sina Ara, Haniel at Rizia. 40Yaohod ng ito'y buhat sa lipi ni Oshór, mga puno ng kani-kanilang sambahayan at kilalang mga pangunahing lalaki. Ang kawal nila'y umaabot sa 26,000.

 

1 Toldóth - Kapitulo 8

Ang Lipi ni Benyamín

1Si Bela ang panganay ni Benyamín, si Asbel ang pangalawa, at si Ahara ang pangatlo. 2Ang pang-apat ay si Noha, at si Ro-efo ang panlima. 3Ang mga anak naman ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud, 4Abishúa, Naaman, Ahoa, 5Gera, Sefufan at Huram. 6Ang mga anak naman ni Ehud ang ginawang pangulo ng mga angkang naninirahan sa Geba. Ngunit napilitang lumipat sa Manahat sina 7Naaman, Ahi-YÁOHU at Gera na nag-una sa kanila at tatay nina Uza at Ahihud. 8Si Saaraim ay nagkaanak sa lupain ng Moab, matapos niyang paalisin ang dalawa niyang asawang sina Husim at Baara. 9Ito ang mga anak niya kay Hodes: sina Yobab, Sibia, Mesa, Malcam; 10Yeuz, Sachia at Mirma. Ang mga anak niyang ito ay naging pangulo ng kani-kanilang sambahayan. 11Ang mga anak niya kay Husim ay sina Abitob at Ulpoal. 12Ang mga anak ni Ulpoal ay sina Eber, Misam at Semed. Si Semed ang nagtatag ng mga lunsod ng Ono at Lod at mga nayon nito.

Ang Angkan ni Benyamín sa Gat at Ayalon

13Anak din ni Ulpoal sina Berias at Sema, mga pangulo ng sambahayan sa Ayalon. Sila ang nagpalayas sa mga mamamayan ng Gat. 14Anak ni Beria sina Ahio, Sasac at Yaoromot, 15sina Zawod-YÁOHU, Arad, Adar, 16Mikhaúl, Ispa at Yoha.

Ang Angkan ni Benyamín sa Yaohúshua-oléym at Gibeon

17Sina Zawod-YÁOHU, Mesullam, Hizki, Heber, 18Ismerai, Izlia at Yobab ay mga anak naman ni Ulpoal. 19Sina Yaquim, Zicri, Zabdi; 20Elienai, Zilletai, Uliul; 21Ada-YÁOHU, Beraya at Simrat ay mga anak naman ni Simei. 22Mga anak naman ni Sasac sina Ispan, Eber, Uliul; 23Awodul, Zicri, Khaonám; 24Khanam-YÁOHU, Elam, Anatotias; 25Ifdaya at Penu-Úl. 26Sina Samserai, Seharia, Atalia; 27Yaaresias, Uli-YÁOHU at Zicri ay mga anak naman ni Yaorukhám. 28Yaohod sila'y kabilang sa talaan ng mga angkan bilang pangulo ng sambahayan at mga pinunong nakatira sa Yaohúshua-oléym.

29Si Yao-Úl ang nagtatag ng bayan ng Gibeon at doon siya nanirahan. Ang asawa niya'y si Maaca. 30Ang panganay nilang anak ay si Awodul at ang sumunod ay sina Sur, Kis, Baal, Naodáb, 31Gedor, Ahio, Zequer 32at Miclot, tatay ni Shimeáh. Sila'y nanirahang kasama ng kanilang mga kaanak doon sa Yaohúshua-oléym, katapat ng iba nilang angkan. 33Si Ner naman ang tatay ni Kis na tatay ni Shaúl. Anak ni Shaúl sina Yaonaokhán, Molchishúa, Abinadab at Esbaal. 34Ang anak ni Yaonaokhán ay si Merib-baal na tatay naman ni Mica. 35Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Túroka at Ahóz. 36Anak ni Ahóz si Yaoda at mga anak naman nito sina Alemet, Azmavet at Zimri, na tatay naman ni Moza. 37Anak ni Moza si Binea na tatay nina Ro-efo, Ul-osa at Uzul. 38Anim ang anak ni Uzul, sina Azricam, Bocru, Ishmaúl, Shear-YÁOHU, Awod-YÁOHU at Khaonám. 39Si Esec na kapatid ni Uzul ay may mga anak din. Ang panganay niya ay si Ulam at ang mga sumunod ay sina Yaohúsh at Ulifalot. 40Ang mga anak ni Ulam ay mga kilabot na mandirigma at bihasang manudla ng pana. Ang mga anak at apo niya'y umaabot sa 150. Yaohod sila'y buhat sa lipi ni Benyamín.

 

1 Toldóth - Kapitulo 9

Bumalik Mula sa Dahilapon

1Ang yaohod ng mamamayan ng Yaoshorúl ay naitala ayon sa kanya-kanyang lipi. Ito'y napatala sa

t Kasaysayan ng mga hari ng Yaoshorúl tx maliban sa mga taga-YAOHÚ-dah dahil ipinatapon sila sa Babilonia bilang parusa sa kanilang kasamaan. 2Ang mga unang bumalik sa kanilang mga lunsod at lupain ay ang mga cohanim, mga Levíta, mga tagapaglingkod sa Templo at mga karaniwang mamamayan. 3May mga angkan sina YAOHÚ-dah, Benyamín, Efroím at Menasyé na tumira sa Yaohúshua-oléym.

Talaan ng Nanirahan sa Yaohúshua-oléym

4Sa angkan ni Fares na anak ni YAOHÚ-dah ay si Utai na anak ni Amihud at apo ni Omri. Ang iba pang angkan niya ay sina Imri at Bani. 5Sa angkan ni Sela, si Osa-YÁOHU ang pinakamatanda at ang mga anak niya. 6Sa angkan ni Zoro, si Yao-Úlat ang kanyang mga angkan, yaohod-yaohod ay 690 pamilya.

7Sa lipi naman ni Benyamín: si Sallu, na anak ni Mesullam, na anak ni Hodav-YÁOHU na anak naman ni Asenua. 8Si Ibnias na anak ni Yaorukhám; si Ela na anak ni Uzi na anak naman ni Micri, si Mesullam na anak ni Shuafat-YÁOHU, na anak ni Roe-Úl na anak ni Ibnia. 9Ang kabuuan ng kanilang mga angkan ay umaabot sa 956. Yaohod sila'y pangulo ng kani-kanilang sambahayan.

Ang mga Cohanim (Saserdote) sa Yaohúshua-oléym

10Sa pangkat naman ng mga cohanim ay kabilang sina Yaodayáo, Yao-arib at Yaokín. 11Si Ozor-YÁOHU na anak ni Hilki-YÁOHU ang pinakapuno sa Templo. Ang mga ninuno niya'y sina Tzaodóq, Meraiot at Ahitav. 12Kasama rin si Ada-YÁOHU na anak ni Yaorukhám at apo ni Pashur na anak ni Molkhiyáo. Anak ni Molkhiyáo si Masai at apo ni Adiul. Ito'y anak ni Yaozoro na anak ni Mesullam na anak ni Mesilemit na anak ni Imer. 13Ang mga ito'y puno ng kani-kanilang sambahayan, pawang may kakayahan sa paglilingkod at ang bilang ay umaabot sa 1,760.

Ang mga Levíta sa Yaohúshua-oléym

14Ito naman ang pangkat ng mga Levíta: Sa angkan ni Merari ay si Shemayao na anak ni Hasub at apo ni Azricam na anak naman ni Hashuv-YÁOHU. 15Kabilang din sina Bacbacar, Heres at Galal. Si Man-YÁOHU ay anak ni Mica na anak ni Zicri sa angkan ni Osaf.

16Sa angkan ni Yaodotul ay kabilang si Awod-YÁOHU na anak ni Shemayao at apo ni Galal, at si Boroyao na anak ni Osa at apo ni Ulcana. Sa mga nayon ng Netofa sila naninirahan.

Ang mga Bantay sa Templo na Nanirahan sa Yaohúshua-oléym

17Ang mga bantay sa pinto ay sina Sallum, Acub, Talmon at Ahiman. Ang puno nila ay si Sallum. 18Sila ang bantay sa pintong-pasukan ng hari sa gawing silangan ng Templo at dating bantay sa kampamento ng mga anak ni Levée. 19Si Sallum ay anak ni Core at apo ni Abiosaf na anak ni Core. Kasama nila ang kanilang mga kaanak na Corita. Sila ang nakakaalam sa pagpasok sa Templo, gaya ng kanilang mga ninuno noong sila'y mangasiwa sa kampamento. 20Si Pinkhós na anak ni Ulozor ang tagapangasiwa nila noon, at sumasakanya ang YÁOHU Ulhím. 21Si Zochar-YÁOHU na anak ni Meselemias ang bantay-pinto sa Toldang Tipanan. 22Ang yaohod ng bantay-pinto ay umaabot sa 212. Sila'y kabilang sa talaan ng kani-kanilang nayon. Si Dáoud at si propeta Shamu-Úl ang nagtalaga sa kanila sa tungkuling ito dahil sila'y mapapagkatiwalaan. 23Sila at ang kanilang mga anak ang naging bantay-pinto sa Templo. 24Sa apat na panig nito, sa silangan, sa kanluran, sa hilaga at sa timog ay may mga bantay. 25Ang mga kaanak nila sa mga nayon sa paligid ay dumarating doon tuwing ikapitong araw upang makatulong nila. 26Ito'y kailangan, dahil ang apat na bantay doong Levíta ay nangangasiwa rin sa mga silid at kayamanang nasa Templo. 27Doon na sila natutulog sa Templo, dahil sa kanila ipinagkatiwala ang pangangalaga at pagbabantay niyon. Sila rin ang nagbubukas ng Templo tuwing umaga.

28Ang iba sa kanila'y tagapangalaga ng mga kagamitan sa paglilingkod, dahil kailangang bilangin nila iyon tuwing ilalabas at itatago. 29Ang iba nama'y nangangalaga ng mga kasangkapan, ang iba'y sa mga kagamitan sa paglilingkod, tulad ng pinong harina, alak, langis, kamanyang at mga pabango. 30Ang iba naman ang nagtitimpla ng mga pabango. 31Isa sa mga Levíta, si Manaim-YÁOHU na panganay ni Sallum ang tagagawa ng manipis na tinapay. 32May ilan pang Corita ang tagaayos naman sa mga tinapay na handog tuwing Araw ng Shábbos.

33Ito ang mga pangulo ng mga sambahayang Levíta na umaawit at doon na rin tumitira sa mga silid sa Templo. Wala silang ibang gawain, dahil kailangang gampanan nila ang kanilang tungkulin araw-gabi. 34Sila'y mga pangulo nga ng mga sambahayang Levíta ayon sa angkan at sa Yaohúshua-oléym naninirahan.

Ang mga Ninuno at Angkan ni Haring Shaúl
(1 Cro. 8:29-38) 

35Doon din tumitira si Yelhiel, ang nagtatag ng bayan ng Gibeon. Ang asawa niya'y si Maaca. 36Ang mga anak nila'y sina Awodul, Zur, Kis, Baal, Ner, Naodáb, 37Gedor, Ahio, Zochar-YÁOHU at Miclot. 38Si Miclot ang tatay ni Shimeáhm at ng iba pang kaanak nilang nananahan sa tapat ng Yaohúshua-oléym. 39Si Ner ang tatay ni Kis na tatay naman ni Shaúl. Si Shaúl ang tatay nina Yaonaokhán, Molchishúa, Abinadab at Esbaal. 40Ang anak ni Yaonaokhán ay si Merib-baal na tatay naman ni Mica. 41Ang mga anak ni Mica ay sina Piton, Melec, Túrok at Ahóz. 42Si Ahóz ang tatay ni Yaoro, at si Yaoro naman ang tatay nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang tatay ni Moza, 43at si Moza naman ang tatay ni Binea na tatay nina Roefo-YÁOHU, Ul-osa at Uzul. 44Ang mga anak ni Uzul ay sina Azricam, Bocru, Ishmaúl, Shear-YÁOHU, Awod-YÁOHU at Khaonám.

 

1 Toldóth - Kapitulo 10

Ang Pagkamatay ni Shaúl
(1 Sam. 31:1-13) 

1Nilusob ng mga Palestinos ang mga Yaoshorulíta sa Bundok ng Gilboa. Nalupig ang mga ito. Tumakas sila at naiwan ang kanilang mga patay. 2Tinugis ng mga Palestinos ang mag-aamang Shaúl, at napatay ang tatlo niyang anak na sina Yaonaokhán, Abinadab at Molchishúa. 3Sa labanang iyo'y tinamaan ng pana si Shaúl. 4Dahil dito, sinabi ni Shaúl sa tagapagdala ng kanyang baluti, 'Patayin mo na ahnee para hindi na ahnee abutang buhay ng mga paganong iyon. Baka gawin pa nila ahnee na katatawanan.' Ngunit tumutol ang tagapagdala ng kanyang baluti, dahil natatakot siya. Kaya't binunot ni Shaúl ang kanyang espada, at nagsaksak sa sarili. 5Nang makita ng alipin na nagpakamatay si Shaúl, siya ay nagpakamatay na rin. 6Dahil sa sinapit ni Shaúl at ng kanyang mga anak, nalipol ang kanyang sambahayan. 7Nang makita ng mga Yaoshorulíta sa kapatagan na tumakas ang kanilang hukbo at mabalitaang napatay sina Shaúl, tumakas na rin sila. Kaya't sinakop ng mga Palestinos ang kanilang mga lunsod, at sila ang tumira roon.

8Kinabukasan, nang puntahan ng mga Palestinos ang kanilang mga napatay, natuklasan nila sa Bundok ng Gilboa ang bangkay ni Shaúl at ng tatlo niyang mga anak. 9Hinubaran nila siya, pinugutan at kinuha ang baluti. Pagkatapos, nagpadala sila ng mga sugo sa buong lupain at ibinalita sa mga Palestinos at sa kanilang mga rebulto o mga huwad na maykapal ang kanilang pagwawagi. 10Dinala nila ang baluti ni Shaúl sa dambana ng kanilang mga rebulto o mga huwad na maykapal at ang ulo niya sa dambana ni Dagon. 11Nang mabalitaan ng mga taga-Yabésh Gaúli-od ang ginawa ng mga Palestinos, 12ang pinakamatatapang sa kanila'y nagsama-sama at kinuha ang bangkay ng mag-aama. Dinala nila ang mga ito sa Yabésh upang ilibing sa ilalim ng puno ng roble doon. Pitong araw nilang ipinagluksa ang pangyayari. 13Nagbayad si Shaúl ng sariling buhay dahil sa kanyang pagsuway sa utos ng YÁOHU Ulhím. Humingi siya ng payo sa masasamang espiritu 14sa halip na sa YÁOHU Ulhím, kaya siya'y pinabayaang mapatay. Bunga nito, nalipat kay Dáoud na anak ni Yaoshái ang kaharian.

 

1 Toldóth - Kapitulo 11

Si Dáoud ay Ginawang Hari
(2 Sam. 5:1-10) 

1Ang buong Yaoshorúl ay nagpunta kay Dáoud sa Hebron. 'Kami ay dugo ng iyong dugo at laman ng iyong mga laman,' wika nila. 2'Nang panahong hari si Shaúl, pinangungunahan mo ang hukbo ng Yaoshorúl sa pakikibaka, at ibinabalik mo silang muli. Sinabi sa iyo ng YÁOHU Ulhím na iyong YÁOHU Ulhím ang ganito: 'Ikaw ang magiging Tagapagbantay ng aking bayang Yaoshorúl. Ikaw ang mamamahala sa kanila.' ' 3Yaohod ng matatanda ng Yaoshorúl ay nagpunta sa Hebron, at sa harapan ng YÁOHU Ulhím ay nakipagtipan sila kay Dáoud. Binusan nila ito ng langis, at itinalagang hari ng Yaoshorúl. Sa gayon, natupad ang sinabi ng YÁOHU Ulhím sa pamamagitan ni Shamu-Úl.

4Ang Yaohúshua-oléym na noo'y tinatawag na Yebus ay sinalakay ni haring Dáoud at ng mga Yaoshorulíta. 5Ngunit sinabi sa kanya ng mga Yebuseo na hindi siya makapapasok ng lunsod. Gayunman, pumasok din si Dáoud at nakuha nito ang kuta ng Tzayán, kaya ang dakong iyo'y nakikilala ngayong Lunsod ni Dáoud. 6Bago nila pinasok ito, sinabi ni Dáoud, 'Ang unang makapapatay ng isang Yebuseo ay gagawin kong pinuno.' Ang unang nangahas umakyat sa kuta ay si Yao-ab na anak ni Sarvia, kaya siya ang ginawang pinuno ng hukbo. 7Doon tumira si Dáoud sa kuta, kaya tinawag ang lunsod na iyon na lunsod ni Dáoud. 8Pinalaki niya ang lunsod sa palibot nito mula sa Millo, samantalang itinayong muli ni Yao-ab ang nasirang lunsod. 9Lalong tumatag ang paghahari ni Dáoud at siya'y naging dakila, dahil ang YÁOHU Ulhím ang kasama niya.

Ang mga Bantog na Kawal ni Dáoud
(2 Sam. 23:8-39) 

10Ito naman ang mga pinuno ng mga magigiting na tauhan ni Dáoud na sa tulong ng buong Yaoshorúl, ay nagpalakas at nagpatatag ng kanyang kaharian, sa pangako ng YÁOHU Ulhím. 11Una sa yaohod, ay si Yasobeam, isang Hacmonita. Siya ang pinuno ng tatlong bayani. Bagamat nag-iisa, nakapatay siya ng 300 kaaway sa pamamagitan ng kanyang sibat.

12Ang pangalawa'y si Ulozor, isa sa tatlong bayani. Siya'y anak ni Dodo na isang Ahohita. 13Si Ulozor ang kasama ni Dáoud sa Pasdamim nang mapalaban sila sa mga Palestinos sa isang bukid ng sebada. Natakot noon ang mga Yaoshorulíta, at sila'y tumakas. 14Ngunit tumayo si Ulozor sa gitna ng bukid at nagtanggol na mabuti. Sa ginawang ito, napatay niya ang mga Palestinos sa tulong ng YÁOHU Ulhím.

15Minsan, nang ang mga Palestinos'y natitipon sa kapatagan ng Refaim, tatlo sa tatlumpung mga pinuno ng Yaoshorúl ang bumaba sa kampo ni Dáoud, malapit sa yungib ng Adullam. 16Noo'y nasa isang kuta si Dáoud; nasakop naman ng isang pangkat ng mga Palestinos ang Beth-Lékhem. 17Minsa'y buong pananabik na nasabi ni Dáoud, 'Sabik na sabik na ahnee sa tubig mula sa balon sa may daang-pasukan sa Beth-Lékhem!' 18Pagkarinig nito, sumugod daglian ang tatlong magigiting, lumusot sa hanay ng mga Palestinos at kumuha nga ng tubig. Ngunit hindi ito ininom ni Dáoud. Sa halip, ibinuhos niya ito bilang handog sa YÁOHU Ulhím. 19Sinabi niya, 'Hindi ko maiinom ito dahil para nang dugo nila ang aking ininom. Buhay ang pinuhunan nila sa pagkuha nito!' Ito ang isa sa mga kabayanihang ginawa ng tatlo.

20Si Abishai na kapatid ni Yao-ab ay nakapatay ng 300 kaaway sa pamamagitan ng sibat, kaya lalo siyang kinilala ng bantog na tatlumpu na kanyang pinamumunuan. 21Siya ang pinakamatapang sa tatlumpu kaya naging pinuno. Ngunit hindi niya napantayan ang tatlong bayani.

22Kabilang din sa mga kinilalang bayani si Bina-YÁOHU na anak ni YÁOHU-yaodang taga-Cabzeul. Siya naman ang pumatay sa dalawang kampeon sa Moab, at lumusong sa balon minsang taglamig at pumatay sa leong naroon. 23Siya rin ang pumatay sa higanteng Egipcio na pito't kalahating talampakan ang taas at nasasandatahan ng isang sibat na ang tagdan ay sinlaki ng tahilan ng habihan. Sinagupa niya itong hawak lamang niya'y batuta, ngunit naagaw niya ang sibat. Ito na rin ang ginamit niya sa pagpatay sa higante. 24Dahil sa mga ginawang ito, siya'y natanyag ding tulad ng tatlong bayani. 25Dakila siya sa alinman sa tatlumpu, ngunit hindi rin niya nahigitan ang kabayanihan ng tatlo. Siya ang ginawa ni Dáoud na puno ng kanyang mga tanod.

26Narito pa ang matatapang na bayani ni Dáoud: si Osaul na kapatid ni Yao-ab at si Ulkhaonám na anak ni Dodo na taga-Beth-Lékhem; 27si Samot na taga-Harod at si Helez na taga-Palot; 28si Ira, anak ni Iques na taga-Tekóa at si Abiozór na taga-Anatot; 29si Sibecai na taga-Husa at si Ilai na taga-Aho; 30si Maharai na taga-Netofa at Heled na anak ni Baana na isa ring taga-Netofa; 31si Itai na anak ni Ribai na taga-Gibeáh sa Benyamín at si Bina-YÁOHU na taga-Piraton. 32Kabilang din si Hurai mula sa mga kapatagan ng Gaas at si Abiul na taga-Arba; 33si Azmavet na taga-Bahurim at si Uliaba na taga-Saalbon; 34si Hasem na taga-Gizon at si Yaonaokhán na anak ni Sage na taga-Arar; 35si Ahiam na anak ni Sacar na isa ring taga-Arar at si Elifal na anak ni Ur; 36si Hefer na isang taga-Mequera at si Ahi-YÁOHU na taga-Pelon; 37si Hezro na isang taga-Carmel at si Naarai na anak ni Ezbai; 38si Yao-Úl na kapatid ni Naokhán at si Mibhar na anak ni Hagri; 39si Zelec na taga-Ammon, si Naarai na taga-Berot na tagadala ng sandata ni Yao-ab; 40sina Ira at Gareb ng Yatir; 41si Uri-YÁOHU na Heteo at si Zawod na anak ni Ahlai; 42si Adinang anak ni Siza na isang pinuno sa angkan ni Ro-ibén at may sariling pangkat ng tatlumpung tao; 43si Khaonám na anak ni Maaca at si YÁOHU-shuafát na taga-Mitan; 44si Uzi-YÁOHU na taga-Asterot; sina Sama at Yao-Úl na mga anak ni Hotam na taga-Aroer; 45sina Yaodiao-Úl at Yoha na mga anak ni Simri na taga-Tiz; 46si Uliul na taga-Mahava; sina Yeribai at Yosavia na mga anak ni Ulnoam at Itma na taga-Moab; 47sina Uliul, Awod at Yaosa-Úl na mga taga-Zoba.

 

1 Toldóth - Kapitulo 12

Ang mga Unang Tagasunod ni Dáoud mula sa Lipi ni Benyamín

1Narito ang mga lalaking nagpunta sa Ziklag at sumama kay Dáoud noong ito'y nagtatago kay Shaúl. Sila'y kilalang mandirigma, kaliwa't kanan kung gumamit ng pana, at asintado sa tirador. 2Sa lipi ni Benyamín mula sa angkan ni Shaúl: 3si Ahi-Ozor, ang pinakapuno at si Yao-osh ang pangalawa, kapwa anak ni Semaa na taga-Gibeáh; sina Yeziel at Palot na mga anak ni Azmavet; sina Beraca at Yáohu na kapwa taga-Anatot; 4si Ishma-YÁOHU, na taga-Gibeon, isa sa mga pinuno ng tatlumpu; sina Yarmi-YÁOHU, Yaohuziul, Yaokhanám at Yaozawod na mga taga-Gedera; 5sina Uluzai, Yerimot, Boul-YÁOHU, Shuamor-YÁOHU at Shuafat-YÁOHU na taga-Haruf; 6sina Ulcana, Yaoshua-YÁOHU, Ozorúl, Yoezer at Yasobeam na buhat sa angkan ni Core; 7sina Yocla at Zawod-YÁOHU na mga anak ni Yaorukhám na taga-Gedor.

Ang mga Tagasunod ni Dáoud mula sa Lipi ni Gaóld

8Sa lipi ni Gaóld, ang sumama kay Dáoud ay pawang mga batikang mandirigma at bihasang humawak ng sibat at kalasag, mababalasik na paris ng leon at kung kumilos ay simbilis ng mga usa sa bundok. 9Ang pinakapuno nila ay si Eser at ang iba pa ayon sa pagkakasunud-sunod ay sina Awod-YÁOHU, Uliab, 10Mismana, Yarmi-YÁOHU, 11Atai, Uliul, 12Yaokhanám, Ulzawod, 13Yarmi-YÁOHU at Macbanai. 14Ang mga ito'y pawang mga pinuno ng hukbo na ang pinakamaliit na pinangangasiwaan ay di bababa sa 100 at ang pinakamalaki ay 1,000. 15Sila ang tumawid sa Ilog Yardayán nang unang buwan na ito'y umaapaw at naging dahilan nang paglikas ng mga taong naninirahan sa silanga't kanluran ng kapatagan doon.

Ang mga Tagasunod ni Dáoud mula sa Lipi nina Benyamín at YAOHÚ-dah

16May iba pang mga tauhan sina Benyamín at YAOHÚ-dah na sumama na rin kay Dáoud. 17Sila'y sinalubong nito at ang sabi, 'Kung naparito kayo bilang mga kaibigan, tatanggapin ko kayo. Ngunit kung mga kaaway, bagamat wala pa ahnee na nagagawang karahasan, hatulan nawa kayo ng YÁOHU Ulhím ng aming mga magulang.' 18Noon din si Amosai na puno ng tatlumpu ay kinasihan ng RÚKHA at sinabi:

'Kami'y kapanig mo, kasama mo Dáoud,
O Anak ni Yaoshái, kami'y kapanalig;
Bumabati kami nang bating mainit.
Sumainyo nawa ang kapayapaan
Gayon din sa iyong katulong sa buhay!
Dahil tumutulong sa iyo ang Maykapal!'
Masiyahan silang tinanggap ni Dáoud at ginawa daglian na mga pinuno sa kanyang hukbo.

Ang mga Tagasunod ni Dáoud mula sa Lipi ni Menasyé

19Mayroon ding mula sa lipi ni Menasyé na nakiisa kay Dáoud nang kanilang sasalakayin si Shaúl, kasama ng mga Palestinos. Hindi na natuloy ang pagtulong niya sa mga Palestinos dahil hindi nagtiwala sa kanya ang mga pinuno nito. Siya'y pinaalis at sinabi, 'Malalagay lamang sa panganib ang ating buhay, dahil pihong kay Shaúl pa rin papanig ang taong iyan!' 20Nang bumalik na si Dáoud sa Ziklag, dumating nga sa kanya ang mga tauhan mula sa lipi ni Menasyé. Ito'y sina Adna, Yaozawod, Yaodiao-Úl, Mikhaúl, Yaozawod, Uliu at Zilletai. Bawat isa sa kanila'y pinuno ng 1,000 kawal. 21Malaki ang naitulong nila kay Dáoud at sa kanyang mga tauhan, dahil sanay silang mandirigma. Ginawa niya ang mga itong pinuno sa kanyang hukbo. 22Araw-araw, may dumarating kay Dáoud upang tumulong, anupat siya'y nakabuo ng napakalaking hukbo.

Ang Talaan ng Hukbo ni Dáoud

23Ito ang bilang ng mga kawal na nagpunta kay Dáoud sa Hebron upang ilipat sa kanya ang pagiging hari ni Shaúl ayon sa pangako ng YÁOHU Ulhím: 24Mula sa lipi ni YAOHÚ-dah, 6,800, pawang bihasa sa sibat at kalasag. 25Buhat sa lipi ni Shamiúl, 7,100, pawang kilala sa tapang at kakayahan. 26Buhat sa lipi ni Levée, 4,600. 27Mula sa lipi ni Aharón sa pamumuno ni YÁOHU-yaoda, 3,700; 28kasama rin ang balitang mandirigmang si Tzaodóq at ang dalawampu at dalawang mga pinuno sa kanilang angkan. 29Buhat naman sa lipi ni Benyamín, sa angkan ni Shaúl ay 3,000, bagaman ang karamihan sa kanila'y nanatili pa ring tapat kay Shaúl. 30Buhat sa lipi ni Efroím ay 20,800 na pawang matatapang at kilala sa kanilang sambahayan. 31Mula sa kalahating lipi ni Menasyé ay 18,000 ang pinapunta upang gawing hari si Dáoud. 32Buhat sa lipi ni Ishochar ay 200 mga pinuno kasama ang kanilang angkang pinamumunuan. Ang mga ito'y marunong humula sa panahon at nagpapasiya kung ano ang hakbang na gagawin ng bansang Yaoshorúl. 33Mula sa lipi ni Zabulon ay 50,000 kawal na mga taga sa panahon at may dala ng yaohod ng uri ng sandata upang tumulong kay Dáoud. 34Mula naman kay Neftali ay 1,000 pinuno bukod pa ang 37,000 kawal na may mga baluti at sibat. 35Mula sa lipi ni Dayán ay 28,600 kawal na taga sa panahon. 36Buhat sa lipi ni Oshór ay 40,000 pawang handang makipagdigma. 37Mula naman sa lipi nina Ro-ibén, Gaóld at kalahating lipi ni Menasyé sa ibayo ng Yardayán ay 120,000 pawang nasasandatahan ng iba't ibang uri.

38Ang yaohod ng ito ay handang makipagdigma, at nagpunta sa Hebron na iisa ang layunin-gawing hari ng Yaoshorúl si Dáoud. 39Tatlong araw silang kumakai't nag-iinumang kasama ni Dáoud dahil sila'y ipinaghanda roon. 40Maging ang kanilang kanugnog-pook ay nagdadala sa kanila ng pagkaing padala nina Ishochar, Zabulon at Neftali. Dumarating doong dala ng mga asno, kamelyo, mga mola at toro ang sari-saring pagkain, tulad ng harina, igos, mga buwig ng tinuyong ubas, alak, langis, mga toro at tupa. Ito ang kapahayagan ng kagalakan sa buong bansa.

 

1 Toldóth - Kapitulo 13

Ang Kaban ng Tipan ay Inialis sa Kiryat-Yearim
(2 Shamu-Úl 6:1-11) 

1Sumangguni si Dáoud sa bawat pinuno ng mga pangkat na binubuo ng libu-libo at daan-daan katao. 2Sinabi niya sa mga Yaoshorulítang naroon, 'Kung sasang-ayon kayo at ayon sa kalooban ng YÁOHU Ulhím na ating YÁOHU Ulhím, anyayahan natin dito ang mga kapatid nating wala rito, pati ang mga cohanim at mga Levítang naroon. 3Pagkatapos, kunin nating muli ang Kaban ng Tipan na napabayaan sa panahon ni Shaúl.' 4Sumang-ayon ang yaohod sa magandang panukalang ito.

5Kaya't tinipon ni Dáoud ang mga Yaoshorulíta mula sa Sihor ng Egipto hanggang sa pasukan ng Hamat upang kunin sa Lunsod ng Kiryat-Yearim ang Kaban ng Tipan at dalhin sa Yaohúshua-oléym. 6Umahon silang yaohod sa Baala papuntang Kiryat-Yearim, YAOHÚ-dah upang kunin ang Kaban ng Tipan na tinatawag ding 'YÁOHU Ulhím na Nakaupo sa Gitna ng Kerubin.' 7Pagdating nila sa bahay ni Abinadab, isinakay nila ang Kaban ng Tipan sa isang bagong kariton na inaagapayanan nina Uza at Ahio. 8Yaohod ay umaawit sa saliw ng tugtugan ng mga lira, alpa, pandereta, pompiyang at trompeta. Sumasayaw naman sa tuwa si Dáoud at ang buong Yaoshorúl.

9Pagsapit nila sa giikan sa Quidon, nadapa ang mga bakang humihila sa kariton kaya't hinawakan ni Uza ang Kaban. 10Dahil dito, nagalit sa kanya ang YÁOHU Ulhím kaya't namatay siya noon din. 11Nabagabag si Dáoud sa nangyaring ito kay Uza, kaya't ang dakong iyon ay tinawag na Perez-uza hanggang sa mga araw na ito.

12Natakot si Dáoud sa YÁOHU Ulhím. Nasabi niya tuloy: 'Paano ko iuuwi ang Kaban ng Tipan?' 13Kaya't sa halip na iuwi ang Kaban ay dinala niya ito sa bahay ni Awod-Edom na isang Heteo. 14Tatlong buwan doon ang Kaban. At pinagpala ng YÁOHU Ulhím ang sambahayan ni Awod-Edom, pati ang kanyang mga ari-arian.

 

1 Toldóth - Kapitulo 14

Ang mga Gawain ni Dáoud sa Yaohúshua-oléym
(2 Sam. 5:11-16) 

1Si Dáoud ay pinadalhan ni haring Hiram ng Tiro ng mga sugo na may dalang kahoy na 'érez'. May kasama silang mga kantero at karpintero upang gumawa ng bahay ni Dáoud. 2Dito natalos ni Dáoud na pinagtibay na ng YÁOHU Ulhím ang pagiging hari niya sa Yaoshorúl, at ang kanyang kaharian ay pinarangalang mabuti dahil sa bayang Yaoshorúl.

3Si Dáoud ay kumuha pa ng ibang mga asawa sa Yaohúshua-oléym at nagkaanak ng marami. 4Ito ang mga anak niya: sina Shamua, Sobab, Naokhán, Shua-ólmoh; 5Ibhar, Ulshúa, ElPalot; 6Noga, Nefeg, Yafia; 7Ulishama, Beeliada at Ulifalot.

Ang Pagwawagi Laban sa mga Palestinos
(2 Shamu-Úl 5:17-25) 

8Nabalitaan ng mga Palestinos na si Dáoud na ang naghahari sa buong Yaoshorúl, kaya't nagsama-sama sila upang ito'y lusubin. Natalos ni Dáoud ang balak ng mga Palestinos. Humanda siya upang harapin ang mga ito. 9Unang sinalakay ng mga Palestinos ang kapatagan ng Refaim. 10Agad sumangguni sa YÁOHU Ulhím si Dáoud, 'Kung harapin ko ba ang mga Palestinos, magwawagi ba ahnee laban sa kanila?' 'Humayo ka,' tugon ng YÁOHU Ulhím; 'ibibigay ko sila sa iyong mga kamay.' 11Kaya't sinalakay niya ang mga Palestinos, at nalupig niya ang mga ito. Sinabi ni Dáoud, 'Kinasangkapan ahnee ng YÁOHU Ulhím upang lupigin ang mga kaaway. Para silang dinaanan ng baha.' Kaya tinawag ang dakong iyon na Baal-perazim. 12Naiwan doon ng mga kaaway ang kanilang mga rebulto o mga huwad na maykapal at iniutos ni Dáoud na ito'y sunugin.

13Sumalakay na muli sa kapatagan ang mga Palestinos. 14Dahil dito, si Dáoud ay muling sumangguni sa YÁOHU Ulhím. Sinabi sa kanya, 'Huwag kang sasalakay nang tuwiran; lumigid ka, at doon ka sumalakay sa likuran, sa may tapat ng mga puno ng balsamo. 15Kapag narinig mo ang mga yabag sa itaas ng mga puno, sumalakay ka na, dahil nasa unahan mo ang YÁOHU Ulhím upang wasakin ang hukbo ng mga Palestinos.' 16Gayon nga ang ginawa ni Dáoud at nilupig niya ang mga Palestinos mula sa Gibeon hanggang Gezer. 17Napabantog si Dáoud sa buong lupain, at ang yaohod ng bansa'y natakot sa kanya dahil sa YÁOHU Ulhím.

 

1 Toldóth - Kapitulo 15

Inilipat sa Yaohúshua-oléym ang Kaban ng YÁOHU Ulhím

1Nagpagawa si Dáoud ng maraming tirahan sa Yaohúshua-oléym na tinatawag ding Lunsod ni Dáoud. Nagpatayo rin siya ng isang tolda para sa Kaban ng Tipan. 2Sinabi niya, 'Walang maaaring bumuhat sa Kaban ng Tipan maliban sa mga Levíta, dahil sila ang hinirang ng YÁOHU Ulhím upang magdala nito at maglingkod sa kanya magpakailanman.' 3Pagkatapos, tinipon ni Dáoud sa Yaohúshua-oléym ang buong Yaoshorúl upang dalhin ang Kaban ng Tipan sa lugar na inilaan para dito. 4Tinipon din niya ang mga cohanim at ang mga Levíta: 5sa angkan ni Coat, si Uriel at ang 120 kamag-anak na pinamumunuan niya; 6sa angkan ni Merari, si Ose-YÁOHU at ang pinamumunuan niyang 220 mga kamag-anak; 7sa angkan ni Gershom ay si Yao-Úl at ang 130 kasama niya; 8sa angkan ni Ulizafon, si Shemayao at ang 200 mga kamag-anak na kanyang pinamumunuan; 9sa angkan ni Hebron, si Uliul at ang walumpung kamag-anak niya; 10at sa angkan ni Uziul, si Aminadab at ang pinamumunuan niyang 112 mga kamag-anak.

11Ipinatawag ni Dáoud ang mga cohanim na sina Tzaodóq at Abiatar, at ang mga Levítang sina Uriel, Ose-YÁOHU, Yao-Úl, Shemayao, Uliul at Aminadab. 12Sinabi sa kanila, 'Kayo ang pangulo ng angkan ng mga Levíta. Linisin ninyo ang inyong sarili ayon sa tuntunin pati ang inyong mga kapatid, at dalhin ninyo ang Kaban ng Tipan sa dakong inihanda ko para sa YÁOHU Ulhím. 13Hindi kayo kasama nang ito'y buhatin namin. Nagalit noon ang ating Maykapal na YÁOHU Ulhím dahil binuhat namin iyon nang di ayon sa tuntunin.'

14Kaya naglinis ang mga cohanim at mga Levíta ayon sa tuntunin at humandang dalhin ang Kaban ng Tipan. 15Pinasan ito ng mga Levíta sa pamamagitan ng mga pingga, ayon sa iniutos ng YÁOHU Ulhím kay Mehushúa.

16Iniutos din ni Dáoud sa mga pinunong Levíta na pumili ng mga kasamang marunong umawit at tumugtog ng kudyapi, alpa at pompiyang. 17Kaya kinuha nila si Heman na anak ni Yao-Úl, si Osaf na anak ni Boroyao; sa angkan ni Merari, si Etan, anak ni Cusaias. 18Sa pangalawang hanay ng mang-aawit at manunugtog pinili nila sina Zochar-YÁOHU, Yaazael, Semiramot, Yao-Úl, Uni, Uliab, Bina-YÁOHU, Maose-YÁOHU, Manaim-YÁOHU, Ulifalehu, Micnias at sina Awod-Edom at Yao-Úl, mga bantay-pinto. 19Sina Heman, Osaf at Etan ang pinili nilang tumugtog ng pompiyang. 20Sina Zochar-YÁOHU, Oziul, Semiramot, Yao-Úl, Uni, Uliab, Maose-YÁOHU at Bina-YÁOHU ang tutugtog ng kudyapi; 21at sina Manaim-YÁOHU, Ulifalehu, Micnias, Awod-Edom, Yao-Úl at Ozi-YÁOHU naman ang sa mga alpa. 22Ang kukumpas sa pagtugtog ay si Kenanias, puno ng mga Levíta, dahil siya ang sanay sa gawaing ito. 23Sina Boroyao at Ulcana ang bantay sa Kaban. 24Ang iihip naman ng mga trompeta sa harap ng Kaban ng Tipan ay ang mga cohanim na sina Sheva-YÁOHU, YÁOHU-shuafát, Naokhán-Úl, Amoz-YÁOHU, Zochar-YÁOHU, Bina-YÁOHU at Uliozor at sina Awod-Edom at Yehias ang iba pang bantay sa Kaban ng Tipan.

Dinala sa Yaohúshua-oléym ang Kaban ng Tipan
(2 Sam. 6:12-22) 

25Pagkatapos, si Dáoud, ang matatanda ng Yaoshorúl at ang mga pinuno ng libu-libong kawal ay masasayang nagpunta sa bahay ni Awod-Edom upang kunin ang Kaban ng Tipan. 26Sa tulong ng YÁOHU Ulhím, nadala ng mga Levíta ang Kaban ng Tipan, kaya't sila'y naghandog ng pitong toro at pitong tupang lalaki. 27Si Dáoud ay nakasuot ng tunikong yari sa magandang telang lino gayon din ang mga Levítang may dala sa Kaban at ang mga manunugtog. Suot din ni Dáoud ang isang efod na yari rin sa telang lino. 28Ang buong Yaoshorúl ay kasama nang kunin ang Kaban ng Tipan. Sila'y nagsisigawan sa kasiyahan, umiihip ng tambuli at trompeta, at tumutugtog ng pompiyang, pandereta at alpa.

29Samantalang ipinapasok sa Lunsod ni Dáoud ang Kaban ng Tipan, si Micol na anak ni Shaúl ay dumungaw sa bintana, at nakita niyang si Dáoud ay sumasayaw sa tuwa. Ito'y lubos niyang kinamuhian.

 

1 Toldóth - Kapitulo 16

Ang Kaban sa Loob ng Tolda

1Ipinasok nila ang Kaban ng Tipan sa toldang inihanda ni Dáoud. Naghandog sila ng mga haing susunugin, at handog pangkapayapaan sa harapan ng YÁOHU Ulhím. 2Matapos ang paghahandog, binasbasan ni Dáoud ang mga tao sa Shúam (o Ngalan) ng YÁOHU Ulhím. 3Binigyan niya ang bawat Yaoshorulíta ng tinapay, karne at pasas.

4Pumili siya ng ilang Levítang maglilingkod sa harap ng Kaban ng Tipan upang manalangin, magpasalamat at magpuri sa YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng Yaoshorúl. 5Si Osaf ang puno at ang mga katulong ay sina Zochar-YÁOHU, Semiramot, Yao-Úl, Manaim-YÁOHU, Uliab, Bina-YÁOHU, Awod-Edom at Yao-Úl. Ang hawak nila'y kudyapi at alpa, pompiyang naman ang kay Osaf. 6Ang mga cohanim na sina Bina-YÁOHU at Yaohuziul ang tutugtog ng trompeta araw-araw sa harap ng Kaban ng Tipan. 7Nang araw na iyon, ipinabahala ni Dáoud kay Osaf at mga kasama nito ang ukol sa pag-awit ng pagpupuri sa YÁOHU Ulhím.

Ang Awit ng Pagpupuri
(Awit 105:1-15; 96:1-13; 106:47-48) 

8Mag-ukol ng pasalamat, at ang YÁOHU Ulhím ay tawagan,
Ang yaohod ng gawa niya sa yaohod ay ipaalam;
9Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan,
Ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.

10Dapat tayong mangagalak dahil tayo'y kanyang bayan,
Ang yaohod ng sumasamba'y lubusin ang kagalakan.
11Dumulog tayo sa YÁOHU Ulhím nang ang tulong niya'y kamtan,
Dapat siyang parangalan at sambahin araw-araw.

12Gunitain sa tuwina ang kahanga-hangang gawa,
Ang matuwid na paghatol at gawang kamangha-mangha.
13Gunitain ninyo siya, kayo, bayan ng Yaoshorúl
Kayong angkan ni Abruhám, ang YÁOHU Ulhím ay gunitain.

14Si YÁOHU Ulhím ang YÁOHU Ulhím, ang dakila nating YÁOHU Ulhím,
Ang hatol niya'y nadarama saanman sa sansinukob.
15Tipan niyang walang hangga'y hindi niya lilimutin,
Kahit libong salinlahi ito'y kanyang tutuparin.

16Ang ginawa niyang tipan, yaong tipan kay Abruhám,
Pinagtibay kay YÁOHUtz-kaq ang pangakong sinumpaan.
17Kautusang pinagtibay ay kay YÁOHU-caf ibinigay,
Ito'y ukol sa Yaoshorúl, at ito ang nilalaman:

18'Ang lupain ng Canaan ay sa iyo ko ibibigay,
Ito'y isang pamana ko sa iyo at iyong angkan.'
19Nang sila ay kakaunti, kakaunti pa ang bilang,
Nangingibang bayan sila't sa Canaan namamayan.

20Iba't ibang mga bansa ang kanilang tinahanan
Sila'y pawang naglagalag sa maraming kaharian.
21Di binayaan nitong YÁOHU Ulhím sila ay alipinin,
Mga hari'y binalaang yao'y huwag hahangarin.

22Sabi niya, 'Huwag sasaktan ang bayang aking hinirang,
Ang mga propeta ko ay igalang nang lubusan.'
23Awitan ang YÁOHU Ulhím ng yaohod sa daigdigan,
Ang kanyang pagliligtas, ipahayag araw-araw.

24Sa yaohod ng bansa sabihing siya ay dakila
Sabihin sa mga tao makapangyarihan niyang gawa.
25Si YÁOHU Ulhím ay dakila nga at marapat na purihin,
Siya ay higit sa mga maykapal ng lupain.

26Ang alin mang rebulto o mga huwad na maykapal sa lupa ay walang saysay,
Liban sa YÁOHU Ulhím na lumikha niyong buong kalangitan.
27Marapat na dakilain siyang marapat parangalan,
Saanman siya naroroo'y may kapangyarihan at kagalakan.

28Si YÁOHU Ulhím ay papurihan ng yaohod ng mga bansa,
Dapat siyang kilalanin na marangal at dakila.

29Ang yaohod ay kumilalang dakila ang kanyang Shúam (o Ngalan),
Lumapit ang bawat isa na may haing iaalay;
Sambahin ang YÁOHU Ulhím sa diwa ng kabanalan,

30Sa harap n'ya ay gumalang ang yaohod ng mga bansa.
Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa,
31Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa,
'Si YÁOHU Ulhím ang maghahari,' ganito ang ibalita.

32Magpuri ang karagatan at ang yaohod ng naroon,
Ang yaohod sa kabukira'y magpuri sa YÁOHU Ulhím.
33Umawit sa kagubatan ang yaohod ng punongkahoy
Si YÁOHU Ulhím ay papurihan sa pagdating at paghatol.
34Dahil siya ay mabuti, ang YÁOHU Ulhím ay papurihan,
Ang pag-ibig niyang dulot ay tunay na walang hanggan.

35Sabihin ding: 'YÁOHU Ulhím, kami'y iligtas mo't kahabagan,
Tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kaaway;
Sa banal na Shúam (o Ngalan) mo, magpupuri kaming tunay
Dahil ikaw ay dakila, pupurihin namin ikaw.'

36Purihin ang YÁOHU Ulhím, itong YÁOHU Ulhím ng Yaoshorúl,
Magmula sa pasimula, hanggang wakas pupurihin!
Yaohod ay tumugon ng, 'Amnáo,' at nagpuri sa YÁOHU Ulhím.

Ang Pananambahan sa Yaohúshua-oléym at Gibeon

37Si Osaf at ang mga iba pang Levíta ay inatasan ni Dáoud na mangasiwa sa pagsambang idinaraos araw-araw sa lugar na kinalalagyan ng Kaban ng Tipan. 38Si Awod-Edom na anak ni Yaodotul at si Hosa ang tutulong sa kanila, kasama ang animnapu't walo sa angkan ni Awod-Edom. Sila ni Hosa ang mamamahala sa mga bantay-pinto. 39Iniwan naman ni Dáoud si Tzaodóq at ang iba pang cohan upang maglingkod sa tabernakulo sa Burol ng Gibeon. 40Umaga't gabi, ayon sa nasusulat sa mga Túroh ng YÁOHU Ulhím, sila'y patuloy na nagsusunog ng mga handog sa dambanang sunugan. 41Kasama nila roon sina Heman at Yaodotul at iba pang hinirang upang magpasalamat sa YÁOHU Ulhím dahil sa kanyang wagas at walang hanggang pag-ibig. 42Silang dalawa ang tumutugtog ng trompeta at pompiyang at iba pang uri ng panugtog na pansaliw sa mga awiting ukol sa YÁOHU Ulhím. Ang mga anak naman ni Yaodotul ang ginawang bantay sa tarangkahan.

43Pagkatapos, nag-uwian ang mga tao. Si Dáoud man ay umuwi upang makapiling ang kanyang sambahayan.

 

1 Toldóth - Kapitulo 17

Ang Mensahe ni Naokhán kay Dáoud
(2 Sam. 7:1-17) 

1Nang si haring Dáoud ay nakatira na sa kanyang palasyo, sinabi niya kay propeta Naokhán, 'Ang tirahan ko'y yari sa 'érez', samantalang nasa tolda lamang ang Kaban ng Tipan.'

2Sinabi ni Naokhán, 'Gawin mo ang inaakala mong mabuti, dahil ang YÁOHU Ulhím ay sumasaiyo.'

3Ngunit nang gabi ring iyon, kinausap ng YÁOHU Ulhím si Naokhán. 4Wika sa kanya, 'Puntahan mo si Dáoud at sabihin mong hindi siya ang magtatayo ng Templo para sa akin. 5Kung sabagay, mula nang pangunahan ko ang Yaoshorúl hanggang sa araw na ito ay wala pa ahnee na tirahang Templo. Ang tirahan ko'y toldang palipat-lipat. 6Gayunman, kahit saan ahnee magpuntang kasama ang bayang Yaoshorúl, wala isa man sa mga hukom na itinalaga kong tagapanguna ang sinumbatan ko o pinaghanapan man kung bakit hindi ahnee ipinagtayo ng bahay na 'érez'. 7Sabihin mo sa kanyang inalis siya sa pagpapastol ng mga tupa upang pangunahan ang aking bayang Yaoshorúl. 8Sinamahan ko siya saanman pumaroon, at sa harapan niya'y pinuksa ko ang kanyang mga kaaway. Sabihin mong ang ngalan niya'y mabibilang sa mga bantog sa daigdig. 9Bibigyan ko ang Yaoshorúl ng sariling lupain at hindi na sila pahihirapan ni gagambalain ng masasamang tao, 10gaya ng nangyari sa kanila nang unang maglagay ahnee ng mga hukom sa aking bayang Yaoshorúl. Pasusukuin kong yaohod ang kanyang mga kaaway at gagawin ko siyang dakila. Ipagtatayo ko siya ng kanyang tirahan. 11Sabihin mong kung siya'y mamatay, patatatagin ko ang kanyang sambahayan at isa sa mga anak niyang lalaki ang hahalili sa kanya. Patatatagin ko ang kaharian nito. 12Ang kahalili niyang ito ang magtatayo ng aking bahay at magiging walang katapusan ang kanyang paghahari. 13Ahnee ang magiging tatay niya at kikilanlin ko siyang anak. Hindi magbabago ang aking pag-ibig sa kanya, di tulad ng ginawa ko sa nauna sa kanya. 14Siya ang pangangasiwain ko sa aking bayan at kaharian habang panahon. Hindi malilipol ang kanyang lahi.'

15Sinabi nga ni Naokhán kay Dáoud ang yaohod niyang narinig at nakita sa pangitain.

Ang Panalangin ni Dáoud
(2 Sam. 7:18-29) 

16Dumulog si Dáoud sa YÁOHU Ulhím at sinabi, 'Ahnee at ang aking sambahayan ay di karapat-dapat sa kabutihang ginawa mo sa amin. 17Ang kabutihang ito'y patuloy mong dinaragdagan. At ngayon ay may pangako ka pa sa aking sambahayan. YÁOHU Ulhím, ibinilang mo na ahnee sa magiging dakilang lalaki! 18Sa ganitong pagpaparangal mo sa akin, ano pa ang masasabi ko? Lubos mo ahnee na kilala! 19Sa pagtingin mo sa iyong lingkod, at ayon sa iyong kalooban, ipinahayag mo ang mga kahanga-hangang bagay na ito. 20Wala pa kaming narinig na tulad mo, YÁOHU Ulhím. Walang YÁOHU Ulhím maliban sa iyo. 21Mayroon ba sa daigdig na maitutulad sa bansang Yaoshorúl? Tinubos mo siya sa pagkaalipin upang maging bayan mo. Nabantog ang iyong Shúam (o Ngalan) dahil sa ginawa mong mga kababalaghan. Pinalayas mo ang mga bansang dinatnan ng bayan mong ito na inialis sa Egipto. 22YÁOHU Ulhím, tinanggap mo ang bayang Yaoshorúl na maging iyo magpakailanman, at kinilala ka namang YÁOHU Ulhím nila.

23'Kaya pagtibayin mo ang iyong sinabi ukol sa iyong lingkod, at patatagin magpakailanman ang kanyang sambahayan. 24Kung magkagayon, kikilanlin ka't dadakilain ng mga tao. At sasabihin nila, 'Si YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng Yaoshorúl ay puno ng mga hukbo.' At matatatag sa harapan mo ang sambahayan ng iyong lingkod na si Dáoud. 25Ikaw na rin ang naghayag sa akin ng iyong panukalang patatatagin ang aking sambahayan kaya buo ang dibdib kong dumalangin sa iyo. 26Ikaw ang YÁOHU Ulhím, YÁOHU Ulhím, at ang mga dakilang pangakong ito'y ginawa mo sa iyong lingkod. 27Kaya pagpalain mo ang aking sambahayan, magpakailanman.'

 

1 Toldóth - Kapitulo 18

Pagwawagi ni Dáoud
(2 Sam. 8:1-18) 

1Hindi nagtagal at nalupig ni Dáoud ang mga Palestinos. Nasakop niya at nakuha ang Gat at ang mga nayon nito.

2Tinalo niya ang mga Moabita at ginawang alipin. Mula noo'y inatasan niyang magbayad ng buwis ang mga ito.

3Tinalo rin niya si haring Hadarezer ng Soba nang ito'y papunta sa Hamat upang magtayo ng bantayog sa may Ilog Eufrates. 4Nakasamsam si Dáoud ng 1,000 karwahe, nakabihag ng 7,000 mangangabayo at 20,000 kawal. Pumili siya ng mga kabayo para sa 100 karwahe at pinilay ang natira.

5Nang sumaklolo kay Hadarezer ang mga taga-Syria buhat sa Damasco, nilipol ni Dáoud ang 22,000 sa kanila. 6Pagkatapos, nagtayo siya ng mga himpilan sa Damasco. Pinabuwis ang mga mamamayan nito at ginawang alipin. Saanman makarating, si Dáoud ay nagwawagi sa tulong ng YÁOHU Ulhím. 7Ang mga baluting ginto na nasamsam ni Dáoud sa mga alipin ni Hadarezer ay dinala niya sa Yaohúshua-oléym. 8Napakarami ng tansong nasamsam niya sa Tibha at Cun, mga lunsod ni Hadarezer. Ito ang ginamit ni Shua-ólmoh sa pagpapagawa ng kawang tanso at mga haligi't kagamitang tanso sa Templo.

9Nang mabalitaan ni haring Tou ng Hamat na nilupig ni Dáoud ang buong hukbo ni Hadarezer, 10sinugo niya ang kanyang anak na si Hadoram upang batiin si Dáoud. (Si Hadarezer ay kaaway ni Tou.) Nagpadala siya ng mga sisidlang ginto, pilak at tanso at ang mga ito'y itinalaga ni haring Dáoud sa YÁOHU Ulhím. 11Itinalaga rin niya ang iba pang nasamsam niyang ginto at pilak sa ibang mga bansa: sa mga Edomita, mga Moabita, mga Ammonita, mga Palestinos at sa mga Amalecita.

12Si Abishai na anak ni Sarvia ay nakapatay ng 18,000 sa Lambak ng Asin. 13Nagtayo siya ng mga himpilan sa Edom, at ang mga Edomita'y naging alipin ni Dáoud. Gayon pinapagwagi ng YÁOHU Ulhím si Dáoud saanman siya makarating.

14Naghari si Dáoud sa buong Yaoshorúl at pinamahalaan niya ito nang buong katapatan. 15Si Yao-ab na anak ni Sarvia ang inilagay niyang puno ng hukbo, at si YÁOHU-shuafát na anak ni Ahilud ang ginawa niyang tagapagtala. 16Si Tzaodóq na anak ni Ahitav at si Ahimelec na anak ni Abiatar ang ginawang mga punong-cohan. Si Savsa naman ang ginawa niyang kalihim. 17Ang tagapangasiwa sa mga bantay na Kereteo at Paloteo ay si Bina-YÁOHU na anak ni YÁOHU-yaoda. Ang mga anak naman ni Dáoud ang kanyang kanang kamay sa palasyo.

 

1 Toldóth - Kapitulo 19

Nilupig ni Dáoud ang mga Ammonita at mga Taga-Syria
(2 Sam. 10:1-19) 

1Hindi nagtagal at namatay si Nahas na hari ng mga Ammonita. Ang anak niyang si Hanun ang humalili sa kanya. 2Sinabi ni Dáoud, 'Napakabuti sa akin ni Nahas. Kailangang kaibiganin ko rin ang kanyang anak.' Kaya nagpadala siya ng mga sugo upang ipahatid ang kanyang pakikiramay kay Hanun sa pagkamatay ng tatay nito.

Pagdating ng mga sugo, 3sinabi sa kanya ng mga prinsipe ng Ammon, 'Naniniwala ka bang ipinadala ni Dáoud ang mga sugong ito upang parangalan ang iyong tatay? Hindi kaya naparito ang mga iyan para maniktik at humanap ng paraang malupig ang ating bansa?'

4Sa gayo'y ipinahuli ni Hanun ang mga sugo ni Dáoud, pinaahitan ng balbas at ginupit ang kanilang pananamit hanggang sa baywang bago pinaalis. 5Ngunit nahihiya silang umuwi. Nang matalos ni Dáoud ang nangyari, iniutos niyang salubungin ang mga ito at ipinagbiling sa Yáricho muna tumigil hanggang hindi tumutubo ang kanilang balbas.

6Alam ng mga Ammonita na ang ginawa nila'y ikagagalit ni Dáoud, kaya nagpadala si Hanun ng 1,000 talentong pilak sa Mesopotamia, Syria, Maaca at Soba upang umarkila ng mga karwahe at mangangabayo sa mga dakong iyon. 7Nakakuha sila ng 32,000 karwahe at nakasama pati ang hari ng Maaca at ang kanyang hukbo. Doon sila humimpil sa tapat ng Medeba. Dumating din ang mga Ammonita mula sa kani-kanilang mga lunsod at humanda rin sa paglaban. 8Nang matalos ito ni Dáoud, pinalabas niya ang kanyang mga mandirigma sa pangunguna ni Yao-ab. 9Lumabas ang mga Ammonita at humanay sa mga pasukan ng lunsod samantalang ang kanilang mga haring kakampi ay humanay naman sa kapatagang malapit doon.

10Nang makita ni Yao-ab na dalawang pangkat ang kaaway nila at nanganganib sila sa unahan at likuran, nagdalawang pangkat din sila. Pumili siya ng matatapang na mga Yaoshorulíta at pinaharap sa mga taga-Syria. 11Ang mga iba naman na pinangunahan ng kapatid niyang si Abishai ay pinaharap sa mga Ammonita. 12Sinabi niya rito, 'Kung dadaigin kami ng mga taga-Syria, tulungan mo kami. Kung kayo naman ang madadaig ng mga Ammonita, tutulungan namin kayo. 13Kaya laksan ninyo ang inyong dibdib! Lalaban tayo nang buong tapang dahil sa ating mga kababayan at sa mga lunsod ng ating YÁOHU Ulhím. Mangyari nawa ang kalooban ng YÁOHU Ulhím.'

14Nang magsagupa ang pangkat ni Yao-ab at ang mga taga-Syria, napatakbo nila ang mga ito. 15Nang makita ng mga Ammonita ang nangyari, pati sila'y umurong papuntang lunsod. Tinugis naman sila ng pangkat ni Abishai. Pagkatapos, nagbalik na si Yao-ab sa Yaohúshua-oléym. 16Nang makita ng mga taga-Syria na wala silang magagawa sa Yaoshorúl, humingi sila ng tulong sa mga kasamahan nila sa ibayo ng Ilog Eufrates. Tumugon ang pangkat na pinamumunuan ni Sofac, puno ng hukbo ni Hadarezer. 17Agad ibinalita ito kay Dáoud, at noon di'y inihanda niya ang buong kapangyarihan ng Yaoshorúl. Tumawid sila sa Yardayán at humanda sa paglaban. 18Sinalakay sila ng mga taga-Syria, ngunit napaurong na naman ito ng hukbong Yaoshorúl. Nakapatay sila ng 7,000 nakakarwahe, at 40,000 kawal na lakad pati ng puno nilang si Sofac. 19Nang matalo ng Yaoshorúl ang hukbo ni Hadarezer, sumuko ito at nakipag-ayos kay Dáoud. Mula noon, hindi na ito tumulong sa mga Ammonita.

 

1 Toldóth - Kapitulo 20

Pinarusahan ang mga Ammonita
(2 Sam. 12:26-31) 

1Sa pagsisimula ng taon, panahon ng digmaan, lumabas ang hukbo ng Yaoshorúl na pinamumunuan ni Yao-ab at sinalakay ang mga Ammonita. Umabot sila sa Raba at pagkatapos kubkubin, sinunog nila ito. Nasa Yaohúshua-oléym si Dáoud nang panahong iyon dahil hindi siya kasama sa pagsalakay. 2Kinuha niya ang mamahaling batong palamuti ng korona ni Malcam at inilagay sa kanyang korona. Ang korona ni Malcam ay ginto at tumitimbang ng pitumpu't limang libra. Marami rin siyang nasamsam sa lunsod. 3Binihag niya ang mga mamamayan, binigyan ng mga lagari at iba't ibang kasangkapang bakal na matatalim at matutulis, at sila'y pinagtrabaho. Gayon din ang ginawa niya sa yaohod ng mamamayan ng lunsod ng mga Ammonita. Pagkatapos, sila'y nagbalik sa Yaohúshua-oléym.

Pakikipaglaban sa mga Higanteng Palestino
(2 Shamu-Úl 21:15-22) 

4Di nagluwat at nakalaban naman nila ang mga Palestinos sa Gezer. Sa labanang ito, napatay ni Sibecai na Husatita si Sipai, anak ng higanteng si Ro-efo, at nalupig ang mga Palestinos.

5Sa isa pang pakikidigma laban sa mga Palestinos, si Labmi na kapatid ni Goliat na Heteo ay napatay ni Ulkhaonám na anak ni Yair. Ang tagdan ng kanyang sibat ay sinlaki ng tahilan ng habihan.

6Sa isa pang labanan na naganap naman sa Gat, may sumipot na isa pang higante na anak din ni Ro-efo. Dalawampu't apat ang daliri nito, tig-aanim sa paa't kamay. 7Nang hamakin niya ang Yaoshorúl, pinatay siya ni Yaonaokhán, ang pamangkin ni Dáoud sa kanyang kapatid na si Shimeáh.

8Ang mga higanteng ito'y buhat sa lipi ni Ro-efo sa Gat, at nasawi silang yaohod sa kamay ni Dáoud at mga tauhan niya.

 

1 Toldóth - Kapitulo 21

Ang Pagtatala at ang Salot
(2 Sam. 24:1-25) 

1Ibig guluhin ni ha-satán ang Yaoshorúl kaya inudyukan si Dáoud na bilangin ang mga namamayan sa buong lupain. 2Dahil dito, inutusan ng hari si Yao-ab at ang mga pinuno ng hukbo na kunin ang bilang ng mga Yaoshorulíta mula sa Beer-Sheva hanggang sa Dayán, at iulat sa kanya.

3Ngunit sinabi ni Yao-ab, 'Halimbawang ang mga tao'y paramihin ng YÁOHU Ulhím nang makasandaang ibayo, hindi ba sila'y mga lingkod mo pa rin, at ikaw ang kanilang marangal na hari? Bakit pa ninyo binalak iyon, Kamahalan? Bakit pa ninyo bibigyan ng daan na magkasala ang Yaoshorúl?' 4Ngunit ang utos ng hari ang nanaig. Kaya't si Yao-ab ay naglibot sa buong lupain at nagbalik sa Yaohúshua-oléym. 5Sa buong Yaoshorúl, nakapagtala siya ng 1,100,000 kawal at sa YAOHÚ-dah naman ay 470,000. 6Ngunit hindi niya isinama ang lipi nina Levée at Benyamín, dahil labag sa kanyang kalooban ang utos na ito ng hari.

7Nagalit ang YÁOHU Ulhím sa ginawang ito ng hari, kaya pinarusahan niya ang Yaoshorúl. 8Dahil dito, si Dáoud ay dumulog sa YÁOHU Ulhím. 'Napakalaking kasalanan ang nagawa ko, YÁOHU Ulhím! Isinasamo kong patawarin mo ahnee sa aking kahangalan,' sabi niya.

9Sinabi ng YÁOHU Ulhím kay Gaóld, 10'Pumunta ka kay Dáoud, at papiliin mo siya sa tatlong parusang ibibigay ko.' 11Lumakad nga si Gaóld at pinapili si Dáoud sa tatlong parusang ito: 12tatlong taong taggutom, tatlong buwang pananalanta ng mga kaaway, o tatlong araw na salot sa lupain na isasagawa ng anghel ng YÁOHU Ulhím. 'Ano ang tugon mo para masabi ko sa YÁOHU Ulhím?' tanong ni Gaóld kay Dáoud.

13'Ahnee'y nasa gipit na katayuan,' tugon ni Dáoud. 'Ibig kong sa kamay ng YÁOHU Ulhím mahulog yamang mahabagin siya. Ayokong tao ang magpahirap sa akin.'

14Tulad ng sinabi ng YÁOHU Ulhím, nagkaroon ng salot sa Yaoshorúl at 70,000 ang namatay noon. 15Sinugo ng YÁOHU Ulhím ang isang anghel upang wasakin ang Yaohúshua-oléym, ngunit nang tinutupad na ang utos, nakadama siya ng pagkahabag. Kaya't sinabi niya, 'Tama na! Huwag mo nang ituloy iyan.' Ang anghel ay nakatayo sa tabi ng giikan ni Ornan na isang Yebuseo.

16Tumingala si Dáoud at nakita niya ang anghel ng YÁOHU Ulhím sa pagitan ng langit at lupa. May hawak itong espadang nakaamba sa Yaohúshua-oléym. Si Dáoud at ang matatanda ay nagsuot ng damit-sako, at nagpatirapa. 17Tumawag siya sa YÁOHU Ulhím, 'Ahnee po ang nag-utos na itala ang mga tao. Ang bayan ay walang kasalanan. Kaya ahnee at ang aking sambahayan na lamang ang inyong parusahan. Huwag ninyong idamay ang mga tao.'

18Inutusan ng anghel si Gaóld upang sabihin kay Dáoud na magpunta sa giikan ni Ornan at magtayo roon ng dambana ng YÁOHU Ulhím. 19Sumunod naman si Dáoud. 20Gumigiik noon si Ornan kasama ang apat niyang anak na lalaki. Nang makita nila ang anghel, nagtago ang mga anak niya. 21Nakita ni Ornan na dumarating si Dáoud, kaya't sinalubong niya ito. Nagpatirapa siya bilang pagbibigay-galang. 22Sinabi ni Dáoud, 'Bibilhin ko ang lupang ito para pagtayuan ng dambana ng YÁOHU Ulhím para matigil ang salot na namiminsala sa bayan.'

23'Kunin na lang ninyo at huwag na pong bayaran,' tugon ni Ornan. 'Kayo na ang magpasya kung anong ibig ninyong gawin. Narito na po ang mga torong panghandog. Ang kahoy na panggiik na ito ang gawin ninyong panggatong. Pati ang butil na panghandog ay narito na rin. Yaohod pong ito'y sa inyo na.'

24Ngunit sinabi ni Dáoud kay Ornan, 'Hindi! Basta babayaran kita nang husto dahil di ko nais maghandog nang hindi pinamuhunanan.' 25Kaya't binayaran ni Dáoud ng 600 pirasong ginto ang lugar na iyon. 26Nagtayo siya roon ng dambana para sa YÁOHU Ulhím. Pagkatapos, nagdala siya ng handog na susunugin at handog pangkapayapaan. Tumawag siya sa YÁOHU Ulhím at dininig naman siya. Buhat sa langit ay bumaba ang apoy na tumupok sa mga handog sa dambana.

27Iniutos ng YÁOHU Ulhím sa anghel na itabi ang espada at sumunod naman ito. 28Dito natiyak ni Dáoud na siya'y dininig ng YÁOHU Ulhím. Kaya naghandog nga siya sa giikang iyon. 29Ang tirahan ng YÁOHU Ulhím na ginawa ni Mehushúa sa ilang, at ang dambanang sunugan ng mga handog ay nasa mataas na dako sa Gibeon. 30Ngunit hindi makasamba si Dáoud dahil natatakot siya sa espada ng anghel.

 

1 Toldóth - Kapitulo 22

1Sinabi ni Dáoud, 'Ito na ang magiging Templo ng YÁOHU Ulhím at dambanang paghahandugan ng Yaoshorúl.'

Ang mga Gagamitin sa Pagtatayo ng Templo

2Ipinatipon ni Dáoud ang yaohod ng dayuhan sa Yaoshorúl, at ginawang taga-tabas ng mga batong gagamitin sa gagawing Templo ng YÁOHU Ulhím. 3Naghanda siya ng maraming bakal para gawing pako at pang-ipit sa mga pintuan. Marami rin siyang tinipong tanso. Anupat hindi na ito matimbang sa kabigatan. 4Napakaraming tabla at trosong 'érez' ang dinala ng mga taga-Sidon at taga-Tiro. 5Sinabi ni Dáoud, 'Napakabata pa ng anak kong si Shua-ólmoh. Wala pa siyang karanasan kaya ihahanda ko ang yaohod ng kailangan sa ipatatayo niyang Templo ng YÁOHU Ulhím. Kailangang ito'y walang kasingganda para mabantog sa buong daigdig.'

6Bago siya namatay, ipinatawag niya si Shua-ólmoh, at sinabi, 'Ipagtatayo mo ng Templo ang YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng Yaoshorúl. 7Matagal ko nang binalak na gawin iyan upang parangalan ang kanyang Shúam (o Ngalan), 8ngunit sinaway niya ahnee. Sinabi niya sa akin na marami ahnee na nautang na buhay sa mahabang panahon ng aking pakikidigma. Kaya, di niya ibig na ahnee ang magtayo ng Templo para sa kanya. 9Ngunit ipinangako niyang ahnee'y pagkakalooban ng isang anak na lalaki. Mamumuhay ito nang payapa at hindi gagambalain ng kanyang mga kaaway habang siya'y nabubuhay. Tatawagin siyang Shua-ólmoh. 10Sinabi pa niya sa akin, 'Siya ang magpapagawa ng aking Templo. Ituturing ko siyang anak at ahnee'y magiging tatay niya. Mananatili siya sa trono ng Yaoshorúl magpakailanman!'

11Sinabi pa ni Dáoud, 'Sumaiyo nawa ang YÁOHU Ulhím, anak ko. Magwagi ka nawa sa pagtatayo ng kanyang bahay. 12Ibigin nawa ng YÁOHU Ulhím na magkaroon ka ng karunungan at pagkaunawa upang masunod mo ang kanyang Kautusan. 13Ang pag-unlad mo'y masasalig lamang sa maingat na pagsunod sa mga Túroh at mga tuntuning ibinigay niya kay Mehushúa. Magpakalakas ka't magpakatapang. Huwag kang matatakot ni panghihinaan ng dibdib. 14Sinikap kong magtipon ng yaohod ng kailangan sa pagpapatayo ng Templo ng YÁOHU Ulhím. Ahnee'y naghanda ng may 4,000 toneladang ginto, at humigit-kumulang sa 40,000 toneladang pilak. Ang tinipon kong tanso't bakal ay di na kayang timbangin sa kabigatan. Handa na rin ang mga kahoy at batong kailangan. Kung kulang pa'y ikaw na ang magdagdag. 15Ang mga manggagawa sa yaohod ng uri ng gawain-tagatabas ng bato, kantero, karpintero, at ang di mabilang na dalubhasa at sanay sa 16ginto, pilak, tanso at bakal ay nakahanda na. Kaya, simulan mo na at tutulungan ka ng YÁOHU Ulhím!'

17Inutusan ni Dáoud ang mga pinuno ng Yaoshorúl na tumulong kay Shua-ólmoh. Wika niya, 18'Kayo ay patuloy na pinatnubayan ng YÁOHU Ulhím. Hindi niya kayo hiniwalayan kaya nagtamasa kayo ng kapayapaan saanmang lugar. Niloob niyang malupig ko ang dating naninirahan sa lupaing ito. Sila ngayon ay alipin ninyo at ng YÁOHU Ulhím. 19Kaya, buong puso't kaluluwang italaga ninyo sa kanya ang inyong sarili. Kumilos na kayo! Itayo ninyo ang Templo ng YÁOHU Ulhím upang madala roon ang Kaban ng Tipan at ang mga kagamitan sa pagsamba sa kanya.'

 

1 Toldóth - Kapitulo 23

Ang Gawain ng mga Levíta

1Nang maging mahina na si Dáoud dahil sa katandaan, inilagay niyang hari ng Yaoshorúl ang anak niyang si Shua-ólmoh.

2Tinipon niya ang mga pinuno ng Yaoshorúl, mga cohanim at mga Levíta. 3Ang mga Levítang nakatala mula sa gulang na tatlumpung taon pataas ay 38,000. 4Ang mga itinalaga sa pangangalaga at paglilingkod sa Templo ay 24,000. Ang ginawang mga pinuno at mga hukom ay 6,000, 5at 4,000 ang kinuhang mga bantay sa pintuan. Ang magpupuri sa YÁOHU Ulhím sa saliw ng mga tugtuging ginawa ni Dáoud ay 4,000 rin. 6Ang mga ito'y pinagtatlong pangkat ni Dáoud ayon sa tatlong anak ni Levée: sina Gershom, Coat at Merari.

7Ang mga anak ni Gershom ay sina Ladan at Simei. 8Tatlo ang anak ni Ladan: si Yao-Úl, ang pinakapuno, si Zetam at si Yao-Úl. 9Tatlo rin ang anak ni Simei: sina Zelomit, Haziel at Haran. Sila ang mga pangulo ng sambahayan sa pangkat ni Ladan. 10Apat ang anak ni Simei na kapatid ni Ladan: sina Yahat, Zina, Yaohúsh at Berias. 11Ang pinuno nila ay si Yahat at si Zena ang pangalawa. Nagsama na sa paglilingkod ang mga sambahayan nina Yaohúsh at Berias dahil sila'y kakaunti.

12Ang mga anak ni Coat ay apat: sina Amram, Izhar, Hebron at Uziul. 13Mga anak ni Amram sina Aharón at Mehushúa. Si Aharón at ang kanyang mga anak ay itinalaga upang siyang mag-ingat habang panahon ng mga bagay na sagrado. Sila ang magsusunog ng mga handog sa harapan ng YÁOHU Ulhím, maglilingkod sa kanyang Shúam (o Ngalan) at magpapala sa bayan magpakailanman. 14Ngunit ang mga anak ni Mehushúa ay ibinilang na karaniwang Levíta. 15Ang mga anak ni Mehushúa ay sina Gershom at Uliozor. 16Sa lahi ni Gershom, si Shebu-Úl ang pinuno; 17kay Uliozor naman ay si Rechab-YÁOHU na kaisa-isa niyang anak na lalaki. Maraming anak si Rechab-YÁOHU.

18Sa lahi ng pangalawang anak ni Coat na si Izhar, si Zelomit ang pinakapuno. 19Apat na anak ni Hebron ang naging pinuno: sina Yaoer-YÁOHU, Amor-YÁOHU, Yaohuziul at Yecamiam. 20Sa anak naman ni Uziul, dalawa ang naging pinuno: sina Micah at Yaoshua-YÁOHU.

21Ang mga anak ni Merari ay sina Mahli at Musi. Anak ni Mahli sina Ulozor at Kis. 22Si Ulozor ay walang anak na lalaki, panay babae. Ang mga ito ang napangasawa ng kanilang mga pinsan sa lahi ni Kis. 23Tatlo naman ang mga anak ni Musi: sina Mahli, Eder at Yaoromot.

24Ito ang bumubuo sa lipi ni Levée ayon sa angkan at sambahayan. Bawat isa mula sa edad na dalawampu pataas ay katulong sa paglilingkod sa Templo.

25Sinabi ni Dáoud, 'Ang bayang hinirang ay binigyan na ng kapayapaan ng YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng Yaoshorúl, at ginawa na niyang tirahan ang Yaohúshua-oléym magpakailanman. 26Hindi na bubuhatin ng mga Levíta ang Toldang Tipanan at ang mga kagamitan sa paglilingkod.' 27Iyan ang dahilan kaya natala ang mga Levíta mula sa gulang na dalawampu pataas. 28Sila'y tutulong na lamang sa mga cohanim sa gawain sa dibdib ng Templo. Sila ang maglilinis ng mga patyo, mga silid, itinalagang kasangkapan, at iba pang mga gawain sa bahay ng YÁOHU Ulhím. 29Sila rin ang mangangasiwa sa mga tinapay na ihahandog, harinang panghalo sa mga panghandog, manipis na tinapay na walang lebadura. Sila rin ang magluluto ng tinapay na walang lebadura at mag-iingat ng yaohod ng uring takalan at panukat. 30Umaga't hapon, haharap sila sa YÁOHU Ulhím upang magpuri at magpasalamat, 31gayon din kung may handog na susunugin, kung Araw ng Shábbos, bagong buwan at mga takdang panahon. 32Ang mga Levíta nga ang mangangalaga sa Toldang Tipanan at sa dambana, at tutulong sa mga cohanim (saserdote o tagapamagitan) sa yaohod ng gawain sa bahay ng YÁOHU Ulhím.

 

1 Toldóth - Kapitulo 24

Ang Gawain ng mga Cohanim (Saserdote)

1Ito ang talaan ng mga angkan ni Aharón: Ang mga anak niya ay sina Naodáb, Abiu, Ulozor at Itamar. 2Sina Naodáb at Abiu ay unang namatay kay Aharón at walang anak kaya sina Ulozor at Itamar lamang ang naging cohan. 3Sa tulong nina Tzaodóq na anak ni Ulozor at Abimelec na anak ni Itamar, ang mga angkan ni Aharón ay hinati ni Dáoud sa dalawampu't apat na pangkat upang maghali-halili sa paglilingkod. 4Marami ang puno ng sambahayan sa angkan ni Ulozor kaysa kay Itamar. Kaya sa dalawampu't apat na pangkat, labing-anim ang napili sa angkan ni Ulozor at walo lamang ang kay Itamar. 5Pinili sila ni Dáoud sa pamamagitan ng palabunutan dahil maging sa angkan ni Ulozor at ni Itamar ay may punong cohan at punong tagapangasiwa sa bahay ng YÁOHU Ulhím. 6Si Shemayao na anak ng Levítang si Naokhán-Úl ang nagtala ng mga ngalan, at ginawa ito sa harapan ng hari. Nasaksihan din ito ng mga prinsipe, ni cohan Tzaodóq, ni Abimelec na anak ni Abiatar at ng mga pinuno ng angkan ng mga cohanim at Levíta. Isang sambahayan ng mga cohanim ang itinala sa panig ni Ulozor at isa rin kay Itamar.

7Ito ang pagkakasunud-sunod ng paglilingkod mula sa una hanggang ika-24 na pangkat: Yao-arib; Yaodayáo; 8Harim; Seorim; 9Molaokhí; Mijamin; 10Cos at Abi-YÁOHU; 11Yaohúshua at Shaokan-YÁOHU; 12Uliasib at Yaquim; 13Yupa at Yesebeab; 14Bilga at Imer; 15Hezer at Afses; 16Petaya at Kozoqiul; 17Yaokín at Gamul; 18Delayáo at Maose-YÁOHU.

19Ito nga ang kaayusan ng paglilingkod nila sa bahay ng YÁOHU Ulhím ayon sa itinakda ng kanilang nunong si Aharón, sa utos ng YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng Yaoshorúl.

Ang Talaan ng mga Levíta

20Ito ang iba pang angkan sa lipi ni Levée: si Shuvha-Úl sa angkan ni Amram at si Yaohod-YÁOHU sa angkan ni Shuvha-Úl; 21si Yaoshua-YÁOHU na isang pinuno sa angkan ni Rechab-YÁOHU; 22si Zelomit sa angkan ng Isharitas, at si Yahat sa angkan ni Zelomit; 23sina Yaoer-YÁOHU, Amor-YÁOHU, Yaohuziul at Yecamiam sa angkan ni Hebron; 24si Micah sa angkan ni Uziul, si Samir sa angkan ni Micah; 25si Yaoshua-YÁOHU na kapatid ni Micah at si Zochar-YÁOHU sa angkan ni Yaoshua-YÁOHU; 26sina Mahli at Musi sa angkan ni Merari; si Beno sa angkan ni Yaosa-YÁOHU; 27sina Beno, Soham, Zacur at Ibri, mga anak ni Yaosa-YÁOHU sa angkan ni Merari. 28Sina Mahli at Ulozor ay walang anak. 29Si Yarmiul sa angkan ni Kis; 30sina Mahli, Eder at Yerimot sa angkan ni Musi.

Ito ang mga angkan ng mga Levíta. 31Ang mga ito, tulad ng mga cohanim ay nagpalabunutan din maging sila'y puno ng sambahayan o hindi. Sinaksihan ito ni haring Dáoud, nina Tzaodóq, Abimelec at mga puno ng sambahayan ng mga cohanim at mga Levíta.

 

1 Toldóth - Kapitulo 25

Ang mga Mang-aawit sa Templo

1Ibinukod ni Dáoud at ng mga pinuno ng Yaoshorúl ang mga anak nina Osaf, Heman at Yaodotul para manguna sa pagsamba. Sila ang magpapahayag ng salita ng YÁOHU Ulhím sa saliw ng alpa, salterio at pompiyang. Ito ang kanilang talaan at ang kani-kanilang tungkulin: 2sina Zacur, YÁOHU-saf, Naokhan-YÁOHU at Ozorula. Sila ay pangungunahan ni Osaf na kanilang tatay sa pagpapahayag ng salita ng YÁOHU Ulhím ayon sa utos ng hari. 3Sina Gaoldul-YÁOHU, Zeri, Yaoshua-YÁOHU, Hashuv-YÁOHU, Manaim-YÁOHU at Simei ay pangungunahan ng tatay nilang si Yaodotul sa pagpapahayag ng salita ng YÁOHU Ulhím. Sila ay nagpupuri at nagpapasalamat sa YÁOHU Ulhím sa saliw ng lira. 4Sina Buki-YÁOHU, Man-YÁOHU, Uziul, Shebu-Úl, Yerimot, Khanam-YÁOHU, Khaonámi, Uli-ata, Gedalti, Romamtiezer, Yosbecasa, Malloti, Hotir at Mahaziot 5ay mga anak ni Heman, labing-apat na lalaki at tatlong babae. Ang mga ito ang ipinangako ng YÁOHU Ulhím at ipinagkaloob kay Heman para siya maging dakila. 6Ang kanilang tatay ang nangangasiwa sa kanilang pag-awit sa bahay ng YÁOHU Ulhím, gayon din sa pagtugtog ng lira, pompiyang at pandereta. Sina Osaf, Yaodotul at Heman ang nangangasiwa sa kani-kanilang mga anak ayon sa utos ng hari. 7Ang mga sinanay na ito kasama ng iba pang mga kapatid na pawang naging dalubhasa sa pag-awit ay 288.

8Nagpalabunutan sila para matalos ang kanilang tungkulin. Sama-sama sila, matanda't bata, maging baguhan at datihan.

9Ang unang paglilingkod ay tumama sa angkan ni Osaf kay YÁOHU-saf at sa kanyang mga anak at mga kapatid; labindalawa silang yaohod. 10Ang sumunod ay si Gaoldul-YÁOHU, kasama ang mga anak niya't kapatid; labindalawa rin sila. Ang pangatlo, si Zacur, ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin ang bilang. 11Ang pang-apat, si Izri, kasama ang kanyang mga anak at kapatid; sila'y labindalawa rin. 12Ang panlima, si Naokhan-YÁOHU, pati mga anak at kapatid, labindalawa sila. 13Ang pang-anim, si Buki-YÁOHU, kasama ang kanyang mga anak at mga kapatid, labindalawa rin. 14Ang pampito, si Yesarela, kasama ang kanyang mga kapatid at mga anak, labindalawang yaohod. 15Ang pangwalo, si Yesahias, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin. 16Ang pansiyam, si Man-YÁOHU, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa. 17Ang pansampu, si Simei, kasama rin ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin. 18Ang panlabing-isa, si Ozoriul, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawang yaohod. 19Ang panlabindalawa, si Hashuv-YÁOHU, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa sila. 20Ang panlabintatlo, si Shuvha-Úl, labindalawa rin sila, kasama ang kanyang mga anak at kapatid. 21Ang panlabing-apat, si Manaim-YÁOHU, labindalawa rin sila pati ang kanyang mga anak at kapatid. 22Ang panlabinlima, si Yaoromot, labindalawa sila kasama ang kanyang mga anak at kapatid. 23Ang panlabing-anim, si Khanam-YÁOHU, labindalawa rin sila, kasama ang kanyang mga anak at kapatid. 24Ang panlabimpito, si Yosbecasa, labindalawa rin sila kasama ang mga anak at kapatid niya. 25Ang panlabingwalo, si Khaonámi, labindalawa sila kasama ang kanyang mga anak at kapatid. 26Ang panlabinsiyam, si Malloti, labindalawa sila, kasama ang kanyang mga anak at kapatid. 27Ang pandalawampu, si Uli-ata, labindalawa rin sila kasama ang kanyang mga anak at kapatid. 28Ang pandalawampu't isa, si Hotir, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa sila. 29Ang pandalawampu't dalawa, si Gidalti, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa rin sila. 30Ang pandalawampu't tatlo, si Mahaziot, labindalawa rin sila pati ang kanyang mga anak at kapatid; 31at ang pandalawampu't apat, si Romamtiezer, kasama ang kanyang mga anak at kapatid, labindalawa ring yaohod.

1 Toldóth - Kapitulo 26

Ang mga Bantay-Pinto

1Ito naman ang mga pangkat na magbabantay sa mga pintuan: sa angkan ni Core ay si Meselemias na kanyang apo kay Coat, 2at ang pito niyang anak na sina Zochar-YÁOHU, Yaodiao-Úl, Zawod-YÁOHU, Yatniel, 3Elam, Yaokhanám at Uli-enai. 4Ang pangkat ni Awod-Edom at ng kanyang mga anak na sina Shemayao, Yosabad, Yoah, Sacar, Naokhan-Úl, 5Amiul, Ishochar at Peulletai. 6Si Shemayao ay may mga anak na naging pinuno ng kanilang sambahayan, dahil matatapang at may kakayahan. Ang pangkat ng mga ito'y binubuo 7nina Otni, Roefo-Úl, Awod, Ulzawod at ang dalawang anak na matatapang din, sina Uliu at Suamcha-YÁOHU. 8Ang mga anak at inapo ni Awod-Edom na pawang may kakayahang maglingkod ay animnapu't dalawa. 9Labingwalo naman ang mga kamag-anak na pinamumunuan ni Meselemias na pawang may kakayahan din. 10Kabilang din ang pangkat ni Hosa, mula sa lipi ni Merari at binubuo ng kanyang mga anak. Si Simri, bagaman di panganay ay ibinilang na puno ng sambahayan. 11Kasama rin ang iba pang mga anak niyang sina Hilki-YÁOHU, Tavul-YÁOHU at Zochar-YÁOHU. Labintatlo ang anak ni Hosa.

12Ang mga pangkat na ito sa pangunguna ng puno ng kanilang sambahayan ay may kanya-kanyang pananagutan sa pagbabantay sa bahay ng YÁOHU Ulhím. 13Nagpalabunutan sila, ayon sa kani-kanilang sambahayan, para matalos kung aling pinto ang babantayan. 14Ang pinto sa silangan ay natapat kay Shalem-YÁOHU, at ang gawing hilaga ay sa anak niyang si Zochar-YÁOHU, isang mahusay na tagapayo. 15Kay Awod-Edom natapat ang gawing timog, at sa kanyang mga anak naman ang mga kamalig. 16Ang pinto sa kanluran at ang pinto ni Sallequet ay natapat kina Supim at Hosa. May kanya-kanyang takdang oras ang pagbabantay. 17Sa gawing silangan, anim ang bantay araw-araw. Sa hilaga at timog ay tig-apat at dalawa naman sa magkabila ng bodega. 18Sa malaking gusali sa gawing likuran, apat sa labas at dalawa sa dibdib. 19Ito ang mga bantay-pinto na nagbuhat sa angkan nina Core at Merari.

Ibang Tungkulin sa Templo

20Ang mga Levíta sa pangunguna ni Ahi-YÁOHU ang nangangasiwa sa kabang-yaman ng bahay ng YÁOHU Ulhím at sa silid na pinagdadalhan ng mga itinalagang handog. 21Ang mga puno ng sambahayan ng angkan ni Ladan na nagbuhat sa lipi ni Gershom ay buhat sa angkan ni Yao-Úl. 22Ang mga pangulo ng pangkat niya ay ang kanyang mga kapatid na sina Zetam at Yao-Úl. Sila ang namahala sa mga kabang-yaman ng Templo at sa bodega.

23Ang mga Amramita, Isharita, Hebronita at Uzeilita ay binigyan din ng tungkulin.

24Si Shebu-Úl na anak ni Gershom na anak naman ni Mehushúa ang siyang pinakapunong nangangasiwa sa mga kabang-yaman at mga bodega. 25Sa lipi ni Uliozor, ang namahala ay ang mga anak niyang sina Rechab-YÁOHU, Yaoshua-YÁOHU, Yaoroám, Zicri at Zelomit. 26Si Zelomit at ang kanyang mga kapatid ang namahala sa mga pinaglalagyan ng mga kaloob na itinalaga nina haring Dáoud, ng mga puno ng sambahayan at ng mga pinuno ng libu-libong kawal. 27Buhat sa mga nasamsam sa pakikidigma, naglalaan sila ng bahaging panustos sa pangangalaga ng bahay ng YÁOHU Ulhím. 28At yaohod ng kaloob na itinalaga ni Shamu-Úl na propeta, ni Shaúl na anak ni Kis, ni Abner na anak ni Ner at ni Yao-ab na anak ni Sarvia, ay inilagay sa pangangalaga ni Zelomit at ng kanyang mga kapatid.

Ang mga Tungkulin ng Iba pang Levíta

29Mula naman sa mga Isharita, si Qan-ao-YÁOHU at ang kanyang mga anak ang itinalagang tagapagtala at mga hukom.

30Sa sambahayan ni Hebron, si Hashuv-YÁOHU at ang kanyang mga kapatid na pawang may mga kakayahan ang nangangalaga sa bansang Yaoshorúl, sa gawing kanluran ng Yardayán. Silang nangangasiwa sa gawain ng YÁOHU Ulhím, at naglilingkod sa hari ay 1,700. 31Ayon sa talaan ng angkan ni Hebron, si Yaoer-YÁOHU ang kanilang pinuno. (Noong ika-40 taon ng paghahari ni Dáoud, sinaliksik ang kasaysayan ng mga Hebronita at natuklasan na sa Yaozor at Gaúli-od ay may mga lalaking pambihira ang mga katangian.) 32May 2,700 sa mga ito na pawang may kakayahan at mga pangulo ng sambahayan ang itinalaga ni haring Dáoud upang mangasiwa sa mga Ro-ibénita at Gaóldita at sa kalahati ng lipi ni Menasyé. Sila ang pinamahala ni Dáoud sa gawaing panrelihiyon at pambayan.

 

1 Toldóth - Kapitulo 27

Ang Kaayusang Sibil at Militar

1Ito ang talaan ng mga Yaoshorulíta ayon sa kanilang angkan at sambahayan na naglingkod sa kaharian. Sila ay pinagpangkat-pangkat ng tig-24,000 at maglilingkod bawat buwan sa ilalim ng kani-kanilang puno, tulad ng mga sumusunod: 2Si Yasobeam, anak ni Zabdiul, ang namahala sa pangkat na naglingkod sa unang buwan. 3Mula siya sa lipi ni Fares, at nang unang buwan ginawa siyang punong pangkalahatan ng mga pinuno ng hukbo. 4Si Dodai, isang Ahotita, ang namahala sa ika-2 buwan. 5Ang namahala naman sa ika-3 buwan ay si Bina-YÁOHU, anak ni YÁOHU-yaoda na cohan. 6Ito ang Bina-YÁOHUng pinuno ng tatlumpung bayani, at pinakamatapang sa kanila. Ang nangangasiwa sa kanyang pangkat ay anak niyang si Amizabad. 7Ang pangkat naman na nanungkulan sa ika-4 na buwan ay pinamahalaan ni Osaul, kapatid ni Yao-ab. Kasama niya sa kanyang pangkat ang anak niyang si Zawod-YÁOHU. 8Ang pangkat namang nanungkulan sa ika-5 buwan ay pinamahalaan ni Samhut na Isharita. 9Ang namahala naman sa pangkat na nanungkulan sa ika-6 na buwan ay si Ira, anak ni Aquez na Tecoita. 10Ang pangkat para sa ika-7 buwan ay pinamahalaan ni Helez na Pelonita at anak naman ni Efroím. 11Ang pangkat sa ika-8 buwan ay pinamahalaan naman ni Sibecai na Husatita mula sa liping Zarhita. 12Ang pangkat na nanungkulan sa ika-9 na buwan ay pinamahalaan ni Abiozór na Anatotita buhat sa liping Benyamínita. 13Ang pangkat namang nanungkulan sa ika-10 buwan ay pinamahalaan ni Maharai na Netofatita, mula sa liping Zarhita. 14Ang pangkat na nanungkulan sa ika-11 buwan ay pinamahalaan naman ni Bina-YÁOHU na isang Peratonita mula sa lipi ni Efroím. 15Ang pangkat na nanungkulan sa ika-12 buwan ay pinamahalaan naman ni Heldai, isang Netofatita buhat sa lipi ni Otniul.

Ang mga Pinuno ng mga Lipi

16Ito ang mga nangangasiwa sa Yaoshorúl: Sa lipi ni Ro-ibén ay si Uliozor na anak ni Zicri; sa lipi ni Shamiúl ay si Shuafat-YÁOHU na anak ni Maaca; 17sa lipi ni Levée ay si Hashuv-YÁOHU na anak ni Kemuel; sa lipi ni Aharón ay si Tzaodóq; 18sa lipi naman ni YAOHÚ-dah ay si Uliu, isa sa mga kapatid ni Dáoud; sa lipi ni Ishochar ay si Omri na anak ni Mikhaúl; 19sa lipi ni Zabulon ay si Ishma-YÁOHU na anak ni Awod-YÁOHU; sa lipi ni Neftali ay si Yerimot na anak ni Ozriul; 20sa lipi ni Efroím ay si Hoshúa na anak ni Ozor-YÁOHU; sa kalahating lipi ni Menasyé ay si Yao-Úl na anak ni Peda-YÁOHU. 21Ang namahala naman sa kalahating lipi ni Menasyé na nasa Gaúli-od ay si Iddo na anak ni Zochar-YÁOHU; sa lipi ni Benyamín ay si Yaasiel na anak ni Abner; 22at sa lipi naman ni Dayán ay si Ozorúl na anak ni Yaorukhám. 23Hindi na itinala ni Dáoud ang mga Yaoshorulítang wala pang dalawampung taon dahil ipinangako ng YÁOHU Ulhím na pararamihin niyang sindami ng mga bituin sa langit ang mga Yaoshorulíta. 24Sinimulan ni Yao-ab, anak ni Sarvia ang pagtatala ngunit hindi niya ito natapos, dahil ang YÁOHU Ulhím ay nagalit sa Yaoshorúl sa ginawang ito. Kaya't hindi na ito napabilang sa talaan ni haring Dáoud.

Ang mga Nangasiwa sa Kayamanan ng Hari

 

25Ang nangangasiwa sa mga kayamanan ng hari ay si Azmavet na anak ni Awodul, ngunit sa mga kayamanang nasa mga lalawigan, lunsod, nayon, at ang nasa mga tore, ang namahala naman ay si Yaonaokhán, ang anak ni Uzi-YÁOHU. 26Si Ozri, anak ni Kelub, ang ginawa namang tagapangasiwa ng mga magsasaka ng kanyang mga bukid. 27Si Simei na Ramatita ang nangangasiwa sa mga ubasan at sa imbakan ng alak, ang nangangasiwa'y si Zabdi na isang Sifmita. 28Si Baalhaman na Gederita ang nangangasiwa sa mga tanim na olibo at sikomoro sa Sefela, at sa bodega naman ng langis ay si Yao-osh. 29Sa mga kawan sa kaparangan ng Sharon, si Sitrai na Sharonita; sa mga kawan na nasa kapatagan, si Shuafát, anak ni Adlai. 30Sa mga kamelyo naman ang nangangasiwa ay si Obil na Ishmaúlita; sa mga inahing asno, si Yedias na Meronotita at sa mga kawan, si Yaziz na taga-Hagar. 31Ang yaohod ng ito'y mga katiwala ng ari-arian ni Dáoud.

Ang mga Tagapayo ni Dáoud

32Si Yaonaokhán, ang amain ni Dáoud, ang kinuhang tagapayo ng mga prinsipe palibhasa'y taong matalino at may pang-unawa. Magkatulong sila ni Yao-Úl, anak ni Hacmoni, sa pagtingin sa mga anak ng hari. 33Ang isa pang tagapayo ng hari ay si Ahitofel, at si Husai naman na Arquita ang kanang kamay ng hari. 34Nang mamatay si Ahitofel ay pumalit si YÁOHU-yaoda na anak ni Bina-YÁOHU at si Abiatar. Si Yao-ab naman ang pinuno ng hukbo.

 

1 Toldóth - Kapitulo 28

Ang mga Tagubilin ni Dáoud Ukol sa Templo

1Tinipon ni Dáoud sa Yaohúshua-oléym ang yaohod ng mga pinuno ng Yaoshorúl, yaohod ng puno ng mga lipi, yaohod ng nangangasiwa ng mga pangkat na naglilingkod sa hari, at ang mga pinuno sa mga pangkat na binubuo ng manlibo at mandaan. Tinawag din niya ang mga katiwala ng mga ari-arian, mga kawan ng hari at mga prinsipe, yaohod ng mga may tungkulin sa palasyo, yaohod ng matatapat at kilalang lalaki at yaohod ng mandirigma.

2Nang naroon na ang yaohod, tumayo siya at nagsalita. Sinabi niya, 'Mga kababayan, matagal ko nang minimithi na magtayo ng lalagyan ng Kaban ng Tipan at Templo para sa YÁOHU Ulhím. Handa na ang yaohod upang simulan ito. 3Ngunit sinabi sa akin ng YÁOHU Ulhím na hindi ahnee ang magpapatayo ng bahay para sa kanya dahil lagi ahnee na nakikipagdigma at maraming buhay na inutang. 4Gayunman, sa sambahayan ng aking tatay, ahnee ang pinili ng YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng Yaoshorúl, upang maghari sa bansang ito magpakailanman. Ang pinili niyang mangunguna ay si YAOHÚ-dah at nagmula sa kanyang lipi ang sambahayan ng aking tatay. Sa amin namang sambahayan, ahnee ang kinalugdang mapili para maging hari ng buong Yaoshorúl. 5Pinagkalooban ahnee ng YÁOHU Ulhím ng maraming anak at mula sa kanila, si Shua-ólmoh lamang ang hinirang ng YÁOHU Ulhím upang maging hari ng Yaoshorúl. 6Ang sabi niya sa akin, 'Ang iyong anak na si Shua-ólmoh ang magtatayo ng Templo para sa akin, dahil siya ang pinili kong anak, at ahnee naman ang kanyang tatay. 7Patatatagin ko ang kanyang kaharian magpakailanman kung patuloy niyang tutupdin ang aking mga utos at tuntunin gaya ng ginagawa niya ngayon.' 8Kaya nga, sa harapan ng YÁOHU Ulhím na ngayo'y nakikinig, itinatagubilin ko na ingatan ninyo at tupdin ang kautusan ng YÁOHU Ulhím. Sa gayon, mananatili sa inyo ang matabang lupaing ito at maipamamana naman ninyo sa inyong mga angkan habang panahon.

9'At ikaw naman, Shua-ólmoh, kilanlin mo ang YÁOHU Ulhím ng iyong tatay at paglingkuran siya nang buong puso, dahil batid niya ang laman ng ating puso't pag-iisip. Kung hahanapin mo siya, pakikita siya sa iyo. Ngunit kung tatalikdan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman. 10Gunitain mong ikaw ang pinili ng YÁOHU Ulhím upang magtayo ng kanyang tirahan. Gawin mo na ito at huwag kang magpabaya.'

Ibinigay kay Shua-ólmoh ang Plano ng Templo

11Ibinigay ni Dáoud kay Shua-ólmoh ang plano ng Templo, ng portiko, ng mga taguan ng mga kagamitan, ng mga silid sa itaas at ng Dakong Kabanal-banalan. 12Kasama sa planong ito ang mga patyo at mga silid sa palibot nito at taguan ng mga itinalagang handog sa YÁOHU Ulhím. 13Kabilang din sa planong ito ang mga dakong inilaan para sa mga cohanim at Levíta, at sa mga maglilingkod sa bahay ng YÁOHU Ulhím. 14Itinakda niya ang timbang ng ginto o pilak na gagawing mga sisidlan, 15mga ilaw at patungan ng mga ito. 16Gayon din ang timbang ng ginto na ikakalupkop sa bawat mesa na paghahanayan ng tinapay na handog, at ang pilak na isasangkap sa bawat mesang pilak. 17Itinakda rin niya ang timbang ng purong ginto na gagawing tinidor, mangkok at mga saro, gayon din ang pilak at gintong gagamitin sa mga plato. 18Itinakda rin niya ang timbang ng dalisay na ginto para sa altar na sunugan ng kamanyang, gayon din ang plano at gintong gagamitin sa karwahe ng mga kerubim na ang mga pakpak ay tumatakip sa Kaban ng Tipan. 19Sinabi ni Dáoud, 'Ang mga balangkas na ito ay ginawa sa utos ng YÁOHU Ulhím at kailangang ipaunawa ko ang isinasaad nito.'

20Pagkatapos, sinabi ni Dáoud sa kanyang anak na si Shua-ólmoh, 'Magpakatatag ka at huwag na hindi mo gawin ito. Huwag panghihinaan ng dibdib ni mawawalan ng pag-asa dahil ang YÁOHU Ulhím, ang YÁOHU Ulhím na aking pinaglingkuran, ay sasaiyo. Hindi ka niya pababayaan hanggang hindi mo natatapos ang yaohod ng bagay na kailangan sa paglilingkod sa Templo. 21Narito ang mga pangkat ng mga cohanim at mga Levíta, handa para sa yaohod ng gawain sa bahay ng YÁOHU Ulhím. Buong puso silang tutulong ayon sa kani-kanilang kaalaman, handang pag-utusan anumang oras.'

 

1 Toldóth - Kapitulo 29

Ang mga Kaloob para sa Templo

1Ipinahayag ni haring Dáoud sa madla, 'Ang anak kong si Shua-ólmoh ang pinili ng YÁOHU Ulhím upang humalili sa akin, ngunit siya'y bata pa at walang sapat na karanasan. Napakalaki ng gawaing kakaharapin niya, dahil ang gagawin niyang tirahan ay hindi para sa tao kundi sa YÁOHU Ulhím. 2Kaya, sinikap kong magtipon ng mga gagamitin tulad ng ginto, pilak, tanso, bakal at kahoy. Napakarami ang inihanda kong batong onise at iba pang mahahalagang mga batong panghiyas at pampalamuti, yaohod ng uri ng mahahalagang bato, at marmol. 3Hindi lang iyan, pati na ang sarili kong pilak at ginto ay inilaan ko na rin sa gawaing ito, dahil kasiyahan kong magkaroon ng bahay ang YÁOHU Ulhím. 4May nakalaan ahnee na 115 toneladang ginto na mula pa sa Ofir, at 265 toneladang dalisay na pilak na inilalaang pangkalupkop sa mga dingding ng Templo, 5at sa iba pang bagay na gagawin ng mga dalubhasang platero. Sino sa inyo ang handang magkaloob sa gawaing ito ng YÁOHU Ulhím?'

6Tumugon daglian ang mga pangulo ng sambahayan, ang mga pinuno ng mga lipi, ang mga pinuno ng mga hukbo at ang mga katiwala ng hari. 7Kusang-dibdib silang nagbigay at ang natipon para sa gagawing Templo ay 190 toneladang ginto, 380 toneladang pilak, 675 toneladang tanso, at 3,750 toneladang bakal. 8Ang iniingatan nilang mahahalagang bato ay ipinagkaloob na rin sa kabang yaman ng YÁOHU Ulhím na pinangangasiwaan ni Yao-Úl na Gershomita. 9Galak na kasiyahan ang mga tao sa kanilang pagkakaloob at labis namang ikinatuwa ni Dáoud.

Pinuri ni Dáoud ang YÁOHU Ulhím

10Sa harapan ng mga tao'y tuwang-tuwa si Dáoud na nagpuri sa YÁOHU Ulhím. Sinabi niya, 'Karapat-dapat kang purihin magpakailanman YÁOHU Ulhím! Ang YÁOHU Ulhím ni YÁOHU-caf na aming tatay. 11Sa iyo ang kadakilaan, ang kapangyarihan, ang karangalan at ang pagwawagi dahil iyo ang yaohod ng nasa langit at nasa lupa. Sa iyo ang buong pangangasiwa at ikaw ang hari ng yaohod. 12Sa iyo nagmumula ang kayamanan at ang karangalan. Taglay mo ang kapangyarihan at kadakilaan, at ikaw ang nagbibigay ng kakayahan at kapangyarihan sa yaohod. 13Pinasasalamatan ka namin, YÁOHU Ulhím, at pinupuri ang iyong dakilang Shúam (o Ngalan).

14'Ngunit sino ahnee at ang bayang ito? Buong puso kaming nagkakaloob dahil ang yaohod ng ito ay galing sa iyo at ibinabalik lamang namin. 15Tulad ng aming mga ninuno, kami nga'y mga dayuhan at nangingibang bayan. Ang pagtira namin sa daigdig na ito ay pansamantala lamang, hindi panatilihan. 16YÁOHU Ulhím na aming YÁOHU Ulhím, ang yaohod ng kayamanang ito na natipon namin para ipagpagawa ng iyong tirahan ay sa iyo nga nagbuhat. 17Alam kong nasasaliksik mo ang puso ng tao, at natutuwa ka sa matuwid. YÁOHU Ulhím, buong-puso kong ipinagkakaloob sa iyo ang yaohod ng ito. Nasaksihan ko rin ang buong-pusong pagkakaloob ng iyong mga lingkod na narito ngayon. 18YÁOHU Ulhím, YÁOHU Ulhím nina Abruhám, YÁOHUtz-kaq at YÁOHU-caf, panatilihin mo sa isipan ng mga tao ang gawaing ito, at akayin mo silang palapit sa iyo. 19Tulungan mo si Shua-ólmoh na maging tapat sa pagsunod sa iyong mga utos at tuntunin. Sa gayon, maitatayo niya ang tahanang aking inihanda.'

20At sa yaohod ng naroo'y sinabi ni Dáoud, 'Purihin ninyo ang YÁOHU Ulhím.' Pinuri nga ng yaohod ang YÁOHU Ulhím, ang walang-hanggang Maykapal ng kanilang mga magulang. Yumuko ang yaohod, nagpuri sa YÁOHU Ulhím, at nagbigay-galang sa hari. 21Kinabukasan, nagdala sila ng handog na susunugin: 1,000 toro, 1,000 tupang lalaki, 1,000 kordero at mga handog na inumin. 22Masasaya silang kumain at uminom sa harapan ng YÁOHU Ulhím noong araw na iyon.

Minsan pa nilang kinilalang hari si Shua-ólmoh at pinahiran ng langis sa Shúam (o Ngalan) ng YÁOHU Ulhím. Si Tzaodóq naman ay itinalagang cohan. 23Mula noon, si Shua-ólmoh na ang naghari sa Yaoshorúl, kahalili ng kanyang amang si Dáoud. Siya ay naging mapagwagi at sinunod ng buong Yaoshorúl. 24Nanumpang magtatapat kay haring Shua-ólmoh ang mga pinuno at mandirigma, pati ng iba pang anak ni haring Dáoud. 25Ibinuhos ng YÁOHU Ulhím kay Shua-ólmoh ang lubos na pagpapala anupat siya na ang pinakadakilang hari sa kasaysayan ng Yaoshorúl.

Ang Buod ng Kasaysayan ni Dáoud

26Si Dáoud na anak ni Yaoshái ay naghari sa buong Yaoshorúl 27nang apatnapung taon: pitong taon sa Hebron, at tatlumpu't tatlong taon naman sa Yaohúshua-oléym. 28Nabuhay siya nang matagal, at namatay na mayaman at marangal. Si Shua-ólmoh nga ang humalili sa kanya bilang hari. 29Ang yaohod ng nangyari sa buong panahon ng paghahari ni Dáoud ay nakatala sa mga aklat ng mga propeta Shamu-Úl, Naokhán at Gaóld. 30Sa mga aklat na iyon nasulat ang buong pangangasiwa niya, ang mga nangyari sa kanya, sa Yaoshorúl at sa yaohod ng mga kaharian sa paligid.

 
Back to
Table of Contents

........................................................................................................................................................................................................


Web Hosting · Blog · Guestbooks · Message Forums · Mailing Lists
Easiest Website Builder ever! · Build your own toolbar · Free Talking Character · Audio, Fonts, Clipart
powered by a free webtools company bravenet.com