'Ang makipagsabuwatan sa magnanakaw ay mahirap na kalagayan: pag nagsabi ng totoo, ipabibilanggo ng hukuman, ngunit parurusahan naman ng YÁOHU UL pag ang sinabi'y kasinungalingan.' - Kawikaan 29:24
REVERENCE - pagpaparangal, paggalang, pagrespeto sa mga tagapamuno. May kaibahan ang pagrespeto, paggalang at pagpaparangal na iniuukol sa YÁOHU UL at sa mga tagapamuno dito sa lupa, dahil alam nating sila ay mga kasangakapan ng YÁOHU UL upang tayo ay pangalagaan at pagpalain. Ibigay ang paggalang na nararapat sa kanila subalit ang nakahihigit ay para lamang sa YÁOHU UL.
Alalahanin po natin na ang yaohod (lahat) ng kagandahang asal na ito ay dapat isagawa ng parang sa Molkhiúl YAOHÚSHUA natin ginagawa at hindi para sa mga tao lamang. Ang 'RÚKHA-YAOHÚSHUA' po ang magtuturo sa bawat isa patungo sa yaohod (lahat) ng katotohanan at kung papaano natin isasagawa ang paggalang sa YÁOHU UL at sa ating mga tagapamuno dito sa lupa. Ipagpatuloy pa po natin ang pagbabasa upang marami pa po ang ating malamang mga katotohanan. Makipot ang daan patungo sa buhay at kaunti lamang ang nakasusumpong niyaon.
SERVANT RÚKHA - pagiging handang maglingkod, tumulong at sumuporta sa yaohod (lahat) ng oras, dahil batid nating sa Molkhiúl YAOHÚSHUA natin ginagawa at hindi sa tao at sila'y ginagamit ng YÁOHU UL bilang mga kasangkapan upang tayo ay sanayin at hubugin sa magagandang
pag-uugali na lubos na nakasisiya sa Kanyang paningin.
Walang pinipiling oras, araw, panahon o pook at ang mga ito ay hindi makapipigil sa paglilingkod natin sa ating mga tagapamuno dito sa lupa kapag tayo ay inatasang gawain ang isang bagay. Tayo ay mapagkakatiwalaan, maaasahan, laging nasa oras, at laging handang maglingkod sa Kanya gayon din sa mga tagapamuno natin dito sa lupa. Ang kakayahan at ang talino ay maaaring pag-aralan at pagsanayan subalit higit na mahalaga ay ang pagkakaroon natin ng mga maiinam na pag-uugali na hindi mapapantayan ng alinmang kayamanan dito sa lupa.
'Huwag kayong gagawa ng anumang bagay dahil lamang sa hangad ninyong matanyag, bagkus magpakababa kayo at huwag ipalagay na kayo'y mabuti kaysa iba. Ipagmalasakit ninyo ang kapakanan ng iba, hindi lamang ang sa inyong sarili.'
'Magpakababa kayo tulad ng Molkhiúl YAOHÚSHUA, na bagamat siya'y UL, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng YÁOHU UL, bagkus hinubad Niya ang yaohod ng katangian ng pagka-UL, nagkatawang-tao at namuhay na isang alipin. Nang maging tao, Siya'y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, oo hanggang kamatayan sa poste.'
'Kaya naman, Siya'y itinampok ng YÁOHU UL at binigyan ng Pangalang higit sa yaohod (lahat) ng pangalan. Anupat ang yahod (lahat) ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa Shuam (Pangalang) YAOHÚSHUA. At ipapahayag ng yaohod (lahat) na ang
Gaul YAOHÚSHUA ang Molkhiúl (Pinuno), sa ikararangal ng YÁOHU UL ABUHU.' - Filipos 2:3-11, Banal na Kasulatan.
Kung ano ang pinuno ay gayon din ang mamamayan. Kung ang mga mamamayan sa isang bansa ay mga tamad, di-mapagkakatiwalaan, mapagsamba sa mga lo-ulhim (rebulto), at mga lasenggo, tiyak na ang kanilang ihahalal na tagapamuno ay katulad rin ng kanilang pag-uugali. O kaya naman sila na rin ang maghahalal, ibig man nila o hindi, ng isang tagapamunong maaaring makapagsawata sa masasamang bisyo ng mga tao. Ang pasya ng YÁOHU UL ukol rito ay Kanyang isinasaalang-alang ang pagkakaroon ng maiinam na pag-uugali at masugpo ang kasamaan sa katapusan lalo na ng mga kabataan at ng mga mapaghimagsik.
Isa pang dapat malaman ng isang subordinate ay ang 'unspoken wishes' (mga ibig ngunit hindi sinasabi) ng kanyang authority. Maaaring subukin ng isang authority ang kanyang subordinate upang malaman ang kanyang tunay na layunin at pag-uugali o kaya'y may ibang nilalayon sa kanyang puso.
Isang maliwanag na halimbawa sa Molyao-Ul ay yaong kila UliYAOHU at Ulishua (Elias at Eliseo).
Dumating ang oras na si UliYAOHU ay kailangan nang kunin ni YÁOHU UL. Noon ay naglalakad sila ni Ulishua buhat sa Gilgal. Sinabi ni UliYAOHU, 'Maiwan ka na rito at ahnee'y pinatutuloy ng YÁOHU UL sa Bethel.'
Ngunit sinabi ni Ulishua, 'Naririnig ahnee ng YÁOHU UL. Hanggang buhay ka, hindi ahnee hihiwalay sa iyo.' At magkasama silang nagpunta sa Bethel.
'Sinalubong sila ng mga propeta roon at tinanong nila si Ulishua, 'Alam mo bang ang tagapagturo mo'y kukunin na ng YÁOHU UL?'
'Alam ko, kaya huwag na kayong maingay,' sagot niya.
Sinabi ni UliYAOHU, 'Ulishua, ipinakikiusap kong maiwan ka na rito pagkat pinatutuloy ahnee ng YÁOHU UL sa Jerico.'
Ngunit sinabi niya, 'Naririnig ahnee ng YÁOHU UL. Hanggang buhay ka, hindi ahnee hihiwalay sa iyo.' At nagpatuloy silang dalawa sa Jericho.
'Pagdating doon, si Ulishua ay nilapitan ng ng pangkat ng mga propeta roon at tinanong, 'Alam mo bang ang tagapagturo mo'y kukunin na ng YÁOHU UL?'
'Alam ko. Huwag na kayong maingay,' sagot niya.
Sinabi uli ni UliYAOHU kay Ulishua, 'Maiwan ka na rito pagkat pinatutuloy ahnee ni YÁOHU UL sa Jordan.'
Ngunit sinabi niya, 'Naririnig ahnee ng YÁOHU UL. Hanggang buhay ka, hindi ahnee hihiwalay sa iyo.'
'At nagpatuloy sila ng paglakad. Sinundan sila ng pangkat ng mga propeta at pinanood sa di kalayuan nang sila'y tumigil sa tabi ng Ilog Jordan.'
'Hinubad ni UliYAOHU ang kanyang balabal at inihampas sa tubig. Nahawi ang tubig at sila'y tumawid.'
'Pagkatawid nila, sinabi ni UliYAOHU, 'Sabihin mo sa akin kung ano ang ibig mong gawin ko para sa iyo bago ahnee kunin?'
Sumagot si Ulishua, 'Ipinakikiusap kong ipamana ninyo sa akin ang dalawang bahagi ng inyong kapangyarihan.'
Sinabi ni UliYAOHU, 'Mabigat ang hinihingi mo. Gayunman, kapag nakita mo ahneeng kinuha, mangyayari ang kahilingan mo. Kapag hindi, hindi mo makakamit ang hinihingi mo.'
'Patuloy silang nag-uusap habang naglalakad. Walang anu-ano'y pumagitna sa kanila ang isang karwaheng apoy na hila ng mga kabayong apoy. Nagkahiwalay sila at si UliYAOHU ay iniakyat sa langit sa pamamagitan ng ipu-ipo.'
'Ito'y kitang-kita ni Ulishua, kaya't napasigaw siya, 'Abuhee! Abuhee! Lakas at pag-asa ng Yaoshorul (Israel)!' At nawala sa paningin niya si UliYAOHU.'
'Sa tindi ng kalungkutan, pinunit ni Ulishua ang kanyang damit mula itaas hanggang laylayan.'
'Dinampot niya ang nalaglag na balabal ni UliYAOHU at nagbalik sa gilid ng Ilog Jordan.'
'Hinawakan niya sa isang dulo ang balabal at inihampas sa tubig sabay sabi, 'Nasaan si YÁOHU UL, ang UL ni UliYAOHU?' Nahawi ang tubig at siya'y tumawid.
'Nang makita ito ng mga propetang taga-Jericho na nanonood sa di kalayuan, sinabi nila, 'Sumasakanya ang 'RÚKHA' (Espiritu) ni UliYAOHU.' Siya'y sinalubong nila at buong paggalang na pinahalagahan.' - 2 Hari 2:1-15
Isa pang halimbawa sa Molyao-Ul na kung saan ipinapakita kung ano ang pakikitungo ng YÁOHU UL sa mga masuwayin ay ang mga sumusunod:
Sinabi ni Samuel kay Shaul, 'Sinugo ahnee ng YÁOHU UL upang pahiran ka ng langis at italagang Hari ng Israel.'
'Pakinggan mo ang Kanyang salita: 'Pahihirapan Ko ang Amalec tulad ng ginawa niya sa Israel nang ito'y inilabas Ko sa Egipto. Lusubin mo ang Amalec at lupigin silang yaohod (lahat). Durugin mo ang yaohod (lahat) nilang ari-arian at huwag magtitira kahit isa. Patayin mo silang yaohod (lahat), babae't lalaki, mula sa pinamatanda hanggang sa batang pasusuhin. Patayin mo pati kanilang mga baka, tupa, kamelyo at asno.'
'Kaya't tinipon ni Shaul sa Telaim ang hukbo ng Israel. Nang bilangin niya'y umabot sa 200,000 ang mga kawal, bukod pa sa 10,000 buhat sa Juda. Pinangunahan niya ang mga ito, papunta sa Lunsod ng Amalec. Tumigil sila sa isang natuyong ilog na malapit doon at nagpasugo sa mga Cineo at ipinasabi niya, 'Umalis na kayo riyan. Humiwalay kayo sa mga Amalecita para hindi kayo madamay sa kanila sapagkat pinagpakitaan ninyo kami ng mabuti sa aming paglalakbay mula sa Egipto.'
'Pagkaalis ng mga Cineo, sinalakay nila ang mga Amalecita at nalupig ang mga ito mula sa Avila hanggang sa Sur, sa silangan ng Egipto.'
'Nilipol niya ang mga Amalecita ngunit binihag nang buhay si Haring Agag.'
'Hindi rin nila pinatay ang magagandang baka, tupa at yaohod ng matatabang hayop doon; ang pinatay lang nila ay yaohod (lahat) ng hindi pakikinabangan.'
Sinabi ng YÁOHU UL kay Samuel, 'Nanghihinayang Ahnee sa pagkahirang Ko kay Shaul bilang Hari sapagkat tinalikdan niya Ahnee at di sinunod ang Aking mga utos.'
'Nagalit si Samuel, at magdamag na siyang nanalangin kay YÁOHU UL.'
'Kinabukasan, maaga siyang nagbangon upang makipagkita kay Shaul. Ngunit may nagsabi sa kanya na nagpunta ito sa Carmelo upang magpatayo ng sariling bantayog, at pagkatapos ay nagtuloy sa Gilgal.'
'Sumunod siya roon at nang makita siya ni Shaul ay binati siya, 'Pagpalain ka ng YÁOHU UL. Sinunod kong yaohod (lahat) ang utos niya.'
Itinanong ni Samuel, 'Bakit may naririnig ahneeng iyakan ng mga tupa at atungal ng mga baka?'
Sumagot si Shaul, 'Mga samsam buhat sa sa Amalec. Kinuha namin ang pinakamainam na tupa at baka upang ihandog kay YÁOHU UL. Ang walang halaga ay pinatay namin at iniwan.'
Sinabi ni Samuel, 'Pakinggan mo ang sinabi sa akin ng YÁOHU UL kagabi,'
'Ano iyon?' tanong ni Shaul.
Sinabi ni Samuel, 'Noong una, ikaw mismo ang nagpakilalang ikaw ay hamak. Ngayon, ikaw ang pangunahin sa Israel sapagkat hinirang ka ng YÁOHU UL at pinahiran ng langis upang maging Hari.'
'Inutusan ka Niyang lusubin ang masamang bayan ng Amalec at mahigpit na ipinagbiling puksain ang mga ito.'
'Bakit mo sinuway ang utos ng YÁOHU UL? Bakit mo pinag-imbutan ang mga ito? Hindi mo ba alam na ang ginawa mo'y malaking kasalanan sa YÁOHU UL?'
Sumagot si Shaul, 'Sinunod ko ang YÁOHU UL. Pumunta ahnee sa pinapuntahan Niya sa akin. Binihag ko si Agag na hari ng Amalec at nilipol ang mga Amalecita. Pinili ng mga tao ang pinakamaiinam sa mga tupa at baka at hindi namin pinatay kasama ng iba, bagkus ay iniuwi namin sa Gilgal upang ihandog sa YÁOHU UL.'
Sinabi ni Samuel, 'Akala mo ba'y higit na maiibigan ng YÁOHU UL ang handog at hain kaysa pagsunod sa Kanya? Ang pagsunod sa Kanya ay higit kaysa mga handog, at ang pagtalima ay higit kaysa haing taba ng tupa. Ang pagsuway sa Kanya ay kasinsama ng pangkukulam, at ang katigasan ng ulo'y tulad
ng pagsamba sa lo-ulhim (mga rebulto). Pagkat sinuway mo ang YÁOHU UL, inalis ka na sa pagiging Hari ng Kanyang bayan.'
Sinabi ni Shaul kay Samuel, 'Nagkasala ahnee! Sinuway ko nga ang utos ng YÁOHU UL at ang bilin mo sa akin. Natakot ahnee sa aking mga tauhan kaya sinunod ko ang ibig nila.'
'Ngayon nga'y isinasamo kong patawarin mo na at samahan mo ahneeng dumalangin sa YÁOHU UL.'
Sinabi ni Samuel, 'Hindi kita masasamahan sapagkat sinuway mo ang utos ng YÁOHU UL. Inalis na Niya sa iyo ang pagiging Hari ng Israel.'
'Tumalikod si Samuel upang umalis, ngunit hinawakan ni Shaul ang laylayan ng damit nito at natanggal ang kapiraso.'
'Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, 'Sa araw na ito, tinatanggal sa iyo ng YÁOHU UL ang pagiging Hari ng Israel upang ibigay sa ibang mabuti kaysa iyo.'
'Ang dakilang YÁOHU UL ng Israel ay tapat at hindi nagbabago kailanman. Hindi Siya tulad ng tao na kailangang magsisi.'
Sumagot si Shaul, 'Nagkasala nga ahnee ngunit sa pagkakataong ito ay ipinakikiusap kong ahnee'y bigyan kahit kaunting karangalan sa harapan ng matatanda at ng buong Israel. Samahan mo na ahneeng bumalik upang sumamba sa YÁOHU UL.'
'Sinamahan naman ni Samuel si Shaul at ito'y dumulog sa YÁOHU UL.'
Sinabi ni Samuel, 'Dalhin dito si Agag na hari ng Amalec.' Mabigat ang mga paang humarap sa kanya si Agag at nanginginig na sinabi nito, 'Siguro nama'y hindi ninyo ahnee papatayin.'
Sumagot si Samuel, 'Kung paanong pinatay mo ang marami, ikaw man ay papatayin.' At si Agag ay pinagputul-putol ni Samuel sa harap ng altar ni YÁOHU UL sa Gilgal.
'At umuwi si Samuel sa Rama, si Shaul naman ay sa Gabaa.'
'Mula noon, hindi na siya nakipagkita kay Shaul; ikinalungkot din din niya ang nangyari rito. Ang YÁOHU UL naman ay nanghinayang sa pagkahirang kay Shaul bilang Hari.' - 1 Samuel 15:1-35, Banal na Kasulatan.
Ano ang sumunod na pangyayari?